Chapter 35: Catching Up

17.5K 436 17
                                    


Ria's POV

Hindi ko muna pinilit si Keith na magkwento. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Ramdam ko kasi ang bigat ng nararamdaman niya sa paraan ng pagyakap niya sa akin.

Ilang minuto rin kaming nagtagal na ganun ang posisyon bago niya ako binitawan.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Malungkot ang mga mata niya na halatang may dinadalang mabigat na problema.

"Honey, please don't leave me. I love you, and I need you. You are everything to me. Please don't leave me. Please," he begged.

Pumatak ang luha ko dahil sa sinabi niya. That was the third time he begged me. Bihira lang niyang gawin yan. Kaya I know na when he does it, he is sincere about it.

Umiling ako ng dahan-dahan. "Hindi kita iiwan, Keith."

Sino ba naman ako na kayang iwan ang taong mahal ko na nakikiusap sa akin na wag kong iwan?

Sa katunayan nga maswerte ako na gustohin pa ng asawa ko na magkabalikan kami dahil ang ibang mag asawa ay hindi na talaga nagkakaayos. Meron ding may mas malaki pang problema kesa sa amin pero nagkakaayos pa din sila.

Sabi saakin ni tatay, sagrado ang kasal. Kung makakaya pang ayusin ito ay dapat ayusin na agad. Hanggat maaari, hindi dapat binabali ang pangako na sinumpaan ng dalawang tao sa harap ng Diyos. Ganun daw dapat.

Alam ko na may kasalanan din ako kung bakit kami ni Keith nagkaganito. Na realized ko na hindi importante kung sino ang mas may mali dahil sa buhay mag asawa, dapat pareho kaming mapagkumbaba.

Ngayon, naiintindihan ko na ang sinasabi nila na hindi biro ang pag aasawa. Lahat dapat kayanin at unawain. Hindi basta-basta ang pinasok namin at hindi pwedeng basta-basta nalang kaming lalabas pag ayaw na namin. Dapat namin pangatawanan ano man ang kahihinatnan ng pinasok namin.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Keith dahil sa narinig niyang sinabi ko. Sumaya siya at parang naiiyak na nakangiti at hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi mo na ako iiwan?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Umiling ako na may ngiti.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you, honey! Thank you!" Paulit-ulit na nag-thank you siya sa akin at pinaghahalikan ako sa buong mukha.

Nung nagdesisyon ako ng annulment, sobrang bothered ako at hindi ako makatulog ng maayos. Ngayong sinabi ko na hindi ko siya iiwan, sobrang napanatag ang puso ko at ni hindi ako nagdalawang isip. Ito ata talaga ang dapat kong gawin.

Natawa ako at napapahid ng luha dahil sa ginawa ni Keith na paghalik sa mukha ko.

Hinarap ko siya at tiningnan ng maigi. Mukhang wala siyang maayos na tulog sa laki ng eyebags niya. Hinawakan ko ang mga mata niya, ang pisngi niya at inayos ang magulong buhok niya.

"Mahal na mahal kita, Keith," madamdaming sabi ko.

Mahal ko talaga ang asawa ko. Sabihin man ng iba na tanga ako dahil binalikan ko pa siya, hindi ako magsisisi dahil pinilit ko lang kung ano ang tama at kung ano ang makapagpapasaya sa akin.

Ano man ang pagkakamali ni Keith sa akin, mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi iyon matutumbasan ng kahit anong galit sa mundo. Isa pa, tao lang naman ang asawa ko. Kahit ako ay alam ko sa sarilu ko na na may nagawa din akong mali at may gagawin din akong mali in the future at gusto ko na pag dumating man ang araw na yun, mapapatawad niya rin ako gaya ng ginawa kong pagpapatawad sa kanya.

"I love you so much, honey," sabi niya saka hinalikan ako sa labi.

Napalalim ang halik niya dahil mukha kasing miss na miss namin ang isat-isa. Pero kailangan pa naming mag usap kaya pinigilan ko siya.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang