Chapter 26: Quick Meet

20.6K 475 22
                                    


Dala-dala ko ang isang bag ko na maliit lang kasya ang dalawang pares ng damit ko saka wallet at baon na pagkain sa byahe pauwi ng probinsya.

Bakasyon ko na kasi. Parang kailan lang nung umuwi ako samin pero ito na agad at dalawang buwan na pala dahil uuwi naman ako.

Dati excited ako lagi umuwi pero ngayon parang medyo excited nalang kasi nasanay ako na nakikita araw-araw si Keith. Hinahanap ko yung mga pangungulit niya sa akin.

Sobrang saya ko talaga nitong mga nakaraang araw simula mag-date kami nung isang linggo. Mas lalo siyang naging sweet sa akin simula nun.

"Ingat ka, Ria."

Tumingin ako kay Ate Doris na ngayon ay hinatid ako hanggang sa gate.

"Salamat. Ingat din po kayo dito."

Tumalikod na ako at humakbang na paalis.

Nagpaalam din ako kay manong guard na aalis na ako at nagbilin pa siya ng pasalubong. Si manong talaga nasanay na ata. Gusto niya kasi ang dinadala ko lagi na luto ni nanay na kakanin.

"Ria! Wait!"

Napatigil ako sa paglakad saka humarap sa direksyon ng bahay.

"Keith?"

Takang tumingin ako sa kanya na nakapang-alis siya na damit saka may dala siyang malaking bag.

"Saan ang punta mo?"

Lumapit siya sa akin. "I'll go with you."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sa bahay namin??"

Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano. Pero kasi hindi ko inexpect na sasabihin niya yan. Nagbibiro siguro siya ano? Bakit naman siya pupunta samin?

Para akong nalanta nung tumango siya sa tanong ko.

"Bakit ka sasama?" takang tanong ko.

"I want to be with you, and I want to meet your family. I think it's the right time to introduce myself to them."

Bigla akong namula sa sinabi niya.

Ano magpapakilala siya kina nanay? Bigla tuloy akong kinabahan.

"Sa linggo pa ako uuwi. Saan ka matutulog dun kung sasama ka?"

"Sainyo."

"Keith, maliit lang ang bahay namin. Mahihirapan ka don."

Ang totoo, ayaw ko lang talaga na sumama siya kasi hindi ko pa nasasabi kay nanay ang mga nangyayari dito. Baka magulat siya o kaya magalit.

"It's ok. Kaya ko naman."

"Sigurado ka? Baka hindi ka sanay doon. Maglilinis ka din don." Tinatakot ko siya baka kasi humindi siya.

"No problem, anything I'll do to please your family."

Madami pa akong sinabi sa kanya para lang takutin siya at baka umatras siya pero hindi, gusto niya paring sumama.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang.

Dinala niya ako sa kotse niya. Yun kasi ang gagamitin namin pauwi ng probinsya.

Dumaan kami sa drive thru para may makain kami habang nasa byahe. Pero kahit nag uusap kami ni Keith ay hindi ko mapigilan mag alala kung ano ang sasabihin nila tatay at nanay na kasama ko siya. Hindi ko pa naman sila nasabihan.

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil sa mabilis magmaneho si Keith.

Tumigil ang kotse niya sa harap ng bahay namin. Nakatingin pa lahat ng tao na nasa kalsada dahil sa magarang kotse ni Keith. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Nakatingin kasi sila sa amin kaya parang ayaw ko na tuloy lumabas ng kotse. Pero si Keith pinagbuksan ako ng pinto kaya wala akong choice kundi ang lumabas na.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu