Prologue

55.3K 997 35
                                    


Ria's POV

Napanganga ako sa laki ng bahay— hindi pala dahil mansion na itong nakikita ko!

Ang kintab ng sahig dito sa loob at ang mga gamit ay nagsisigaw ng karangyaan.

Mula kanina sa labas ay automatic na bumukas ang gate. Ang cool lang. Tapos ang layo pa ng nilakad ko makarating lang dito mismo sa mansion nila.

Grabe ganun pala pag mayaman no? Dapat mapagod ka muna kakalakad bago mo marating ang bahay ano? Ang layo kasi ng gate nila sa bahay eh. Yung amin nga dalawang hakbang lang ang layo ng gate sa bahay namin. Minsan nga wala ng gate eh pag nasira ng bagyo.

Napagod tuloy ako sa layo ng nilakad ko. Ang bigat pa naman nitong bag ko. Puro pagkain lang naman ang laman nito dahil maraming pinabaon si nanay.

"Miss, wag kanang tumunganga jan. Pasok kana dahil hinihintay kana ni maam."

Napangiti ako sa babaeng nasa harapan ko na bumukas ng pinto sa akin at sa tingin ko ay katulong dahil sa uniporme niya.

Huhubadin ko na sana ang sapatos ko bago pumasok sa loob pero pinigilan niya ako.

"Hindi mo kailangang hubadin yan. Dalhin mo na sa loob."

"Pero sayang madudumihan po ang tiles. Parang ang kintab kasi nakakahiya naman tapakan ng sapatos ko na galing pa ng probinsya."

"Nahiya ka? Eh di magtakip ka ng mukha habang papasok ng bahay."

Napanguso ako.

Ang sungit naman nitong si ate. Ano nga pala ang pangalan niya? Hindi man lang nagpakilaa muna. Inuna pa niya ang magbunganga eh na parang pinaglihi siya sa sama ng loob.

"Ate, menopausal ka po ba?"

"Abat! Hindi pako ganun katanda no! Pumasok kana dahil marami pa akong gagawin sa loob."

"Eh di gawin niyo na po. Nasa loob naman po kayo diba?"

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Mas sumimangot pa siya lalo sakin.

"Abay pilosopo kang bata ka. Pumasok kana baka hindi kita matantsa."

Inirapan niya ako saka umalis na ng tuluyan sa harap ko.

Napakamot ako sa ulo dahil hindi naman sinabi kung nasaan si maam. Umalis kasi siya agad. Na offend kaya siya?

Pumasok nalang ako at hinanap.

Ang laki ng bahay. Siguro mga bente na beses ang laki nito sa bahay namin. Nakakatakot gumalaw baka may masira akong gamit. Parang maze ang bahay na ito sa sobrang laki at daming pasikot-sikot.

"Nasan na kaya yun?" Ang sungit naman kasi ng babaeng nakausap ko kanina. Siya pa naman ang makakasama ko dito sa bahay palagi dahil dito na ako magta-trabaho simula ngayon.

"Marianne Joyce?"

"Ay, palaka!"

Nagulat ako dahil may biglang nagsalita at tinawag ang pangalan ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko sa gulat.

"Sorry, did I scare you?"

Aba nag English sa akin. Sasagutin ko din ba ng English? Baka mapanganga siya sa baon ko kaya huwag nalang.

"P-Po? Hindi po!"

Tumawa siya ng mahina saka napailing.

"Nice to meet you. Ako nga pala si Elizabeth. Ako ang tumawag sayo nung isang araw."

"Kayo po pala yun. Nice to meet you din po. Ang ganda niyo po pala sa personal."

"Bakit nakita mo na ba ako sa picture?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now