Ang disgusting. Mabilis kong nilabas ang panyo ko to clean myself.

Kamalasan! Sumama pa ata ang pakiramdam ko.

Kahit nahihilo pa ako ay naglakad na ko para pumara ng taxi.

"Kuya sa Seacrest Village po." sinabi ko kung saan ang subdivision namin.

Hilong hilo ako at pakiramdam ko masusuka pa ko kahit na wala na akong isusuka.

Ilang minuto lang kahit na hilong hilo ako ay napansin kong hindi kami lumiko sa dapat naming likuan kaya nagtaka ako.

Tanda ko pa naman siguro ang daan pauwi samin.

"Kuya bakit dito tayo dumaan? Mali po itong dinaanan nyo" sabi ko.

Lumingon naman sakin si kuya at nginitian ako ng nakakakilabot.

Tinaasan naman ako ng balahibo. Nagulat ako ng huminto sya at mas kumabog ang dibdib ko ng bumukas ang left side ng pinto ko at may pumasok na isang lalaki pa doon.

"Oh No!" nasambit ko ng tutukan nya ko sa tagiliran ng kutsilyo.

Bakit ba ang prone ko sa disgrasya? Leading lady ba ko ng isang pelikula?

"Mga kuya, holdap ba to? Kung oo willing akong ibigay lahat ng gamit ko kaya pease wag nyo akong sasaktan." kinakabahan na sabi ko. Gusto ko ng umiyak pero ayokong ipakita sa kanila na pinanghihinaan ako ng loob.

"Tsk! Hindi lang gamit mo miss, pati ikaw" sabi nung driver.

"A-Ako?" kinakabahan kong tanong.

"Oo miss! Ang kinis at ang bango mo, mukhang masarap ka" kinilabutan ako ng amuyin nung katabi kong lalaki yung buhok ko kaya naitulak ko sya.

"Ouch!" sigaw ko at napaubo ako. Sinuntok lang naman nito ang tyan ko.

"Kung ako sayo miss, wag ka ng pumalag ha?" sabi nung katabi ko. Hinahawakan nya ang buhok ko.

Naiiyak na talaga ako this time. Ang sakit sakit ng pagkakasuntok nya sakin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat.

"Sumunod ka na lang miss para di ka masaktan. Dadalhin ka namin sa langit" mas gusto kong masuka sa sinabi ng driver.

"Langit baka impiyerno" hindi ko napigilan sumagot kaya nakatamo na naman ako ng suntok mula doon sa katabi ko. Nagulat ako ng hawakan nya ko sa buhok at iharap sa kanya.

"Wag ka ngang magsalita pag di kailangan" sigaw nito tas patulak na binitawan ang buhok ko.

Ang sakit-sakit na ng katawan ko.
Makakaligtas pa ba ko?
Gamit ang huling lakas ko ay tumingin ako sa bintana.

Tumingin ako sa dadaanan. Sana dumaan kami sa maraming tao.

Lumaki ang mata ko ng makita ko na may toda ng tricycle kaming dadaanan. Gamit ang lakas ko ay sinipa ko yung lalaking katabi ko at binuksan ang pinto.

Ang huli ko lang na natandaan ay ang pagbagsak ko sa labas at nagpagulong gulong. May mga taong lumapit sakin at doon na ko nawalan ng malay.

Thunder's POV.

"I am so happy today, at least lahat ng tao sa school na tinuturuan natin, alam na girlfriend mo ko at future misis! Pero sayang, although kilala mo si Akira as student, I still wanted to introduce you to her formally" I looked at Ella when she mentioned Akira.

"You know Akira?"  I asked her.

"Of course naman! She's my BFF in school kaya nga I often talk about you sa kanya. Kaya sayang, maybe next time" she answered.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن