"Halika na Carlo." Nang matapos akong mag-alcohol. Inabot nito ang aking kamay pero ang mata nito'y matalim parin nakatingin kay Cyrus.

"Mommy is he bad?" Nang masolo ko siya sa banyo.

Hindi ako nakasagot. Ang totoo'y hindi ko alam kong ano ang isasagot sa simpleng tanong niya.

Simpleng tanong na kung magkakamali ako sa pagsagot ay tatatak iyon sa kanyang kukuti.

"Tito Nilo said that he is not bad, and he is also your husband. Ibig sabihin po nyan siya po ang daddy namin." nabubulol na pagsasalita ito.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinutop ko ang aking bibig.

Buenaventura!! ito na ang lason pinakain mo sa mga anak ko..

"Where is he going to stay? in our house?" Pinikit pikit nito ang mga mata habang nag-aabang sakin sagot.

Ang dami niyang tanong pero ni isa ay wala akong kayang sagutin.

"Mommy!!" Kumatok si Cristine sa pinto. Napabuga ako ng hangin. Ngayon ko lang ata nagustuhan ang pagsigaw nito habang tinatawag ako.

Hindi ko nasagot ang tanong ni Carlo na pinawalang bahala na lamang nito.

I don't know. I feel guilty dahil don. I know they need an explanation. Kailangan nila ng mga paliwanag sa lahat ng kanilang nakikita at nalalaman. Dahil hindi rin magtatagal ay malalaman at malalaman nila kung sino ako talaga at kung ano sila sakin.

Natigil ako sa paglalakad ng maabutan kong nakaupo sa lap ni Cyrus si Cristine at masayang nakikipagkwentuhan sa kanya,

"Teacher Sabelle told us na wala naman pong pakpak ang mga butterfly when they we're born. Sabi niya samin Uod daw sila." Hinahawakan nito ang pisngi ni Cyrus na parang sinasabi dapat sakin kalang makinig.

"Your teacher is right. Pero hindi lahat ng uod pwedeng maging butterfly." Nakangiting pagpapaliwanag nito.

"So it means that earthworm doesn't come from butterflies?" Tumango si Cyrus at nakatuon ang buong atensyon sa batang nakahawak sa kanyang mukha.

"May daddy din po kaya ang mga butterfly? Sabi po kasi ni Tim wala daw silang daddy o mommy, iniiwan lang daw sila sa dahon. So ibig sabihin hindi po sila mahal ng kanilang mga parents" Inosenteng tanong ng anak ko.

Hindi ko namalayan na bumitaw sakin si Carlo at unti unting lumapit kay Cyrus na may nakakunot na noo.

Wari'y sinusuri nito ang lalaking nakagaanan loob ng kanyang kapatid.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Cyrus, alam ko medyo tricky ang tanong but that is

Cristine. Matanong at hindi ito titigil hangga't walang nakukuhang sagot.

"Well it doesn't mean na hindi sila mahal ng kanilang parents. Sa kanilang environment, hindi pwedeng iwanan ng mommy butterfly ang kanyang mga egg to protect it from predators, like spider's, ants or other insects that will eat the egg." Napatango na lamang si Cristine sa sinabi ni Cyrus.

"Just like mom right?" Tumingin sa gawi ko si Cyrus sabay baba naman kay Carlo malapit sa kanya.

"If Parents don't leave there children, why did you leave us?" Nagulat ako sa tanong niya. agad akong lumapit at hinawakan ang kamay niya.

"Carlo what are you asking?"

Napansin ko ang tila pagpipigil nito ng iyak. Nararamdaman ko na sa murang edad nito ay may hinanakit ito sa akalang ama.

Nilingon ko si Cyrus na dahan dahan binababa sa hita si Cristine.

"Carlo are you mad?" Linapitan siya ng kanyang kapatid.

Hindi nito pinansin ang kapatid at matalim na tiningnan si Cyrus.

"You make our mommy cry. You also left us when we are baby? Daddy won't leave there children just like the butterfly right?"

Hindi sumagot si Cyrus at tumingin sakin. Umiling ako na parang gusto ko nalang din iwasan ang tanong na yun.

Nag squat ito sa tapat ni Carlo.

"I'm sorry son if I wasn't there to protect you." Hinawakan nito sa batok ang anak pababa

sa braso.

Son?

He is claiming that it's his son.

Bigla akong nakaramdam ng kung anong init sakin damdamin.

Hindi ko pwedeng sabihin hindi tama ang mga nagyayaring ito.

Sa pagkilala nila sa lalaking minsan nagdulot sakin ng hindi mailarawan sakit at pighati.

Hanggang sa tuluyan na akong napaiyak.

"Daddy where have you been? ba't ngayon kalang?" Si carlo ay umiiyak na rin. Mas lalo akong nakaramdam ng awa. Pinipiga ang aking damdamin habang naririnig ko ang paghikbi nito. Puno iyon ng hinanakit at pagdaramdam at ako ang dahilan. Ako ang dahilan ng lahat ng yun pero sinisisi nila ang lahat kay Cyrus. Sinisisi nila ang pag-iwan nito samin which is hindi naman talaga nito alam.

Alam ko kahit hindi kami ang totoong magulang ng kambal, naghahanap sila ng isang masaya at kompletong pamilya.

Nang amang magpoprotekta sa kanila sa kabila ng panunukso ng mundo.

"I'm sorry Anak, promise hindi na ako aalis. Hinding hindi ko na kayo iiwan nila mommy." Niyakap nito si Carlo gayundin si Cristine. Hindi ko mailarawan ang nakikita ko sa kanilang tatlo.

Somehow, yung guilty nararamdaman ko ay tila natatabunan ng kasiyahan.

Dapat nga ba ako maging masaya?

Dapat ko nga bang sabihin sa kanila na ang lalaking yumayakap sa kanila ay hindi nila totoong ama, gayundin ako na hindi nila ina?

Dapat ko bang putulin ang kasiyahan nararamdaman ng aking mga anak.

God, hindi ko alam kung ano ang dapat kung iisipin. Kung ito ba ay magiging isang malaking kasalanan ba dahil pinagkakait ko sa kanila ang isang katotohanan maaring sumira ng aming mga buhay.

Pero mga bata palang sila.

Mga batang nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal at handa kong ibigay yun.

Handa kong isakrispisyo ang lahat ng meron ako para sa kanila.

"Hush baby..Daddy won't leave again.I'll promise." nakita ko ang luha ni Cyrus sa kanyang pisngi.

Mas lalo akong naantig sa ginagawa niya..

Pero bakit ang hirap pa rin paniwalaan kong ano ang totoo sa kanya?

Bakit hindi pa rin matanggap ng aking kalooblooban?

"I love you Daddy." Si Cristine at hinalikan ito sa pisngi.

"I love you anak." Gumanti si Cyrus rito at binuhat ang dalawa sa magkabilang bisig.

"Yehey!! We have Daddy na!! Our real Daddy!!" Sigaw ng dalawa.

Gumuhit ang ngiti sakin labi.

Yung simpleng ngiti at kasiyahan nakikita ko sa dalawa, gusto kong mapanatili nalang na ganun.

Hindi ko alam.

Pakiramdam ko naging makasarili ako para idamay ko ang dalawang batang walang kamuwang muwang sa tunay namin na kalagayan ni Cyrus,

I become selfish for the fact na kailangan kong ipagkait sa dalawa ang kasiyahan tulad nito.

I become perfidious and lost hope not only for myself but also to them.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora