Chapter 32: Jealous

6.9K 153 2
                                    

Chapter 32.

Racelle POV

"Baby boy." tawag ko sa kaniya ng ilang beses kahit nasa loob na kami ng jollibee. Hiyang hiya na nga ako dito e, para na akong timang na tinatawag pa rin siya kahit hindi niya ako pinapansin.


"Kitian Bentley," tawag ko pangalan niya. Pinalo ko siya sa braso subalit wala lang sa kaniya. Pinagtitinginan na ako ng tao dito, maski ang apat na 'to may kaniya-kaniya ng buhay. Si Tristan nakikipag kuwentuhan kay Mike na sobra nilang ingay kaya bukod sa amin nakadagdag silang dalawa ng center of attention. Samantalang ang dalawa, ayon naka headset ang dalawa ngunit si William pindot ng pindot sa cellphone niya, si Justin naman tatawa na lang bigla.


Isinandal niya ang ulo niya sa salamin. "Kitian," tawag kong muli sa kaniya at kinalabit ko pa siya sa braso. Hindi pa rin niya ako pinapansin.

Tumahimik na lang ako at isinandal ang likod ko sa sandalan ng upuan. Tinignan ko na lang ang dalawa na si Mike at Tristan sa tapat ko. Katabi ko sa kaliwa ay si Justin.

Ilang ulit akong napabuntong hininga at pinaglaruan ko ang aking daliri. Nagugutom na ako, subalit wala man lang masipag na mag-order ng pagkain. Gustuhin ko mang tumayo at ako na lang ang o-order ng sarili kong pagkain, ngunit baka sabihan lang akong makasarili.

Hay, bahala na nga lang sila dyan. Tumayo na ako at hindi na sila nilingon pa. Alam kong napatingin sila sa aking apat, ewan ko lang kay Kitian.


Dumiretso ako sa counter para um-order na ng makakain ko. Sakto rin na walang taong nakapila. "One su-" naputol ang sasabihin ko nang biglang may humigit sa akin.

Hinapit niya ako sa bewang. "I'm sorry." sabi niya at humarap na siya kay ateng cashier, samantalang ako nakatingin lang sa kaniya. "Six supermeal and six sphagetti." sabi niya sa cashier.

"Dine in or take out sir? And what drinks sir?" nakangiting tanong nang cashier kay Kitian.

"Dine in. All coke." walang emosyon na sabi niya. Napatingin siya sa akin at nahuli niya akong nakatingin lang sa kaniya. Tinaasan lang niya ako ng kilay at ngumisi.

"Yelo ka talaga." mahina kong sabi na halos bulong na iyon. "I heard it." namilog ang mata ko.

"Anong sinabi ko?" patay malisya kong tanong sa kaniya. "I love you." malambing niyang sabi.

Nge, hindi naman yon ang sinabi ko sa kaniya a. Bingi yata 'to. Pinitik ko na lang yong tenga niya. "What did I do?" masungit at inis niyang sabi sa akin.

"Hindi yon yong sina-"

"Ma'am, sir, " pagtawag ng atensyon sa amin ng cashier. Humarap siya kay ateng cashier at kumalas siya sa pagkakahapit sa bewang ko upang kunin ang dalawang tray sabay abot ng bayad. Kinuha ko ang isang tray sa kaniya para makatulong din ako kahit papaano.


Pagtapat namin sa table at pagkalapag pa namin ng tray, nagsitahimik ang apat sabay ngiti nila sa aming dalawa. "Aba, aba! Ang mag-couple yata ang nanlibre ng lunch." nakakalokong sabi ni Tristan.

Hindi naimik si Kitian maski ako, umupo na lang kaming dalawa. Nagsikuha na sila ng pagkain sa tray. "Sya nga pala," panimula ni William.

"Ano?" tanong ko. Napangiwi ako kay Mike dahil lamon siya ng lamon, punong-puno pa ang bibig niya't subo pa rin siya ng subo. "Hinay hinay lang sa pagkain." suway ni Justin saka niya hinagod sa likod at hampas.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon