-Chapter 25- Acute Stress Disorder (ASD)

30.4K 951 32
                                    

Racelle POV

Napahawak ako ng mahigpit sa buhok ko sabay inuntog-untog sa puno. "Ang tanga tanga mo Racelle, ikaw ang may kasalanan ng lahat. Edi sana buo pa ang pamilya niyo!" paninisi ko sa aking sarili. Sa tuwing umuulan, naririnig ko ang buhos ng ulan, mas lalong bumabalik sa akin ang nakaraan ko. Ewan, ang babaw ng dahilan pero ang lakas naman ng epekto sa akin. Hindi ako nagkukunwari, talagang masakit sa puso, masakit lalo na't kasalanan ko. Ito din ang epekto nang hindi iniinom ang antidepressant na nireseta sa'yo. Bakit ba? Hindi ako mahilig sa mga gamot, gamot na 'yan.

Hindi ko sukat akalaing siya ang sasalo sa dapat sa akin. Ang masakit pa, hindi ko naman ginusto na siya ang mabangga pero grabe ang galit sa akin ni papa. Siya kasi ang pinakapaborito niya, kahit kambal kami, marami kaming pagkakaiba. Ako ang pinagkaitan kaya ako ang kaawa-awa. Wala rin akong karapatan para makipag compete sa kaniya. At saka sino naman ako upang magselos sa kaniya, magkapatid kami at kahit minsan nahahalata ko na iba ang pagtrato sa aming dalawa ni papa, okay lang sa akin. 

Yong sinabi ni papa sa akin noon, saulo ko pa. It's been six years from now but still I'm in pain.

-flashback-

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Napaisip tuloy ako na nasa langit na ba ako? Ako ba yung patay at si ate ang buhay? Sana nga. Saka magpaparty pa ako kapag nakumpirma ko ngang ako ang patay!

Bakit ako tuwang tuwa na ako ang patay? Kasi, at least tahimik na ako. Wala na 'yong babaeng binu-bully nila, wala na 'yong babaeng parang biik sa paningin nila, wala na 'yong babaeng laging nagbibigay ng malas sa kanila. Para na akong ibon na nakalaya sa hawla.

Napawi ang ngiti ko sa naiisip ko ngunit nag-iilusyon lang ako. Nasa puting kuwarto lang naman ako na may nakakabit pang dextrose at ramdam kong parang may kung anong nasa ulo ko. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko upang hawakan ang kung anong meron sa ulo ko, ngunit agad akong napaupo nang biglang nagbukas ang pintuan. Iniluwa niya ang galit na galit na mukha ni papa. Pulang-pula ang kaniyang mata, takang taka akong nakatingin sa kanila dahil humawak-hawak pa si mama sa braso ni papa, parang pinipigilan niya na ewan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang hawakan ng marahas ni papa ang magkabila kong balikat, pakiramdam ko mapuputol na ang buto ko. May galit yata sa akin si papa, may namumuong luha na aking mata. "Nang dahil sa'yo patay na ang kambal mo! Ano bang katangahan ang pumasok sa kokote mo at pumunta ka sa kalsada?!" galit na galit ang kaniyang boses, tila gusto na niyang pumatay ng tao. Pero napanganga ako sa aking narinig, ano? Patay na? Hindi maaari.

Akmang baba ako nang bigla akong hilain ni papa pabalik sa kama. "Hon. wag mong sisihin si Racelle, hindi niya kasalanan. Aksidente lang yun!" pagpapahinahon naman ni mama kay papa na parang gusto na niya akong sakalin dahil nakahawak siya sa leeg ko.

Halos mangiyak-ngiyak na din ako, hindi ko kasi inaasahang ganito pala si papa magalit. Paborito niya kasi ang namatay. "Hon. Hanggang kailan mo pagtatakpan yang anak mong bobo?!" at tinuturo ako. "Ha, Tell me!" galit na galit na sigaw ni papa kay mama na napapikit sa takot maski ako.

Tuluyan ng umagos sa pisngi ko ang luha ko. Isa pala akong bobo sa paningin ni papa, Gayon din kaya kay mama? Bobo din ba ako sa paningin niya? Malas? Ano? Ba't nakatingin lang sa akin ni mama na awang-awa. "Wala akong pinagtatakpan George. I'm just telling the truth! Walang may gusto sa nangyari, It's accident!"

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon