Chapter 67: Last Breath

20.1K 641 130
                                    


Racelle's POV

Gising na ako. Puwede ko ng puntahan si Kitian... pero teka ba't puro puti naman 'to at parang walang lagusan palabas dito. Napaupo ako dahil wala na talagang paraan para makausap ko si Kitian.

Tinakpan ko ang aking mukha. Hindi ko alam kung anong gagawin sa paggising ko. Ang sabi ko ay pipikit lang ako ng sandali, pero paano na? Gusto ko na siyang bumalik sa akin.

Inalis ko ang pagaatakip sa mukha ko ng maramdaman kong may tao. Bumungad sa akin ang nakalahad na kamay at bahagyang nasilaw ako dahilan upang mapakurap ako ng ilang beses. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sobrang nakakasilaw.

"Racelle," a familiar voice called my name. Unti-unti kong nasilayan ang mukha niya, sinusuring mabuti hanggang sa mapaatras ako at mapasinghap.

"Roxanne? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong. Lumapit ito sa akin na may malapad na ngiti sa labi.

"Haha.. Ako dapat ang magtatanong niyan.” natatawa nitong sabi.

"Huh? Where are we? Huwag mong sabihing nasa heaven na ako?" takang tanong ko habang nagpalinga-linga sa paligid.

"Yeah," may sumagot naman sa tanong ko. Hinanap ko kung sino hanggang sa makita ko siya sa likod ni Roxanne. Wait, teka- papa? Agad naman akong napaatras. Nakaramdam agad ako ng kaba at takot.

Lumapit siya sa akin hanggang sa wala na akong maatrasan. Naiiyak na ako at napaupo. Umupo naman siya upang mapantayan ako.  Gusto ko siyang yakapin pero nag-aalangan akong yakapin ang aking ama.

Kinasuklaman niya ako dahil sa pagkawala ni ate subalit mahal ko siya, at ama ko pa rin siya.

"Don't be scared, I won't bite." salita nito. "But, you hate me, your blaming me.” sabi ko hanggang sa hindi ko napansing umiiyak na pala ako.

"Sshhh, sorry. Nagsisisi na ako. Hindi kita dapat sinisi anak, alam kong malaki ang kasalanan ko pero sana mapatawad mo ako.” punong-puno ng pagsisisi niyang sabi. Nakipagtitigan naman ako kay papa at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi.

"Papa, matagal na kitang napatawad. Sorry, dahil kasalanan ko ang lahat. Edi sana buo pa ang pamilya natin.” nagsisisi kong sabi kay papa habang umiiyak.

“Hindi mo kasalanan, anak. Aksidente lang ang nangyari.”

“Wala kang kasalanan.” dagdag ni ate.

Umiling-ilng ako. “Pa, ang malas malas ko!"

"Ssshh… hindi ka malas talagang ganiyan lang ang buhay. Minsan iniisip nilang ang malas-malas nila pero hindi nila alam kung gaano pala sila ka-espeyal. Just like you, you're an angel.” malamhing na sabi ni papa.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon