-Chapter 12- Long Hair

43K 1.3K 43
                                    


Racelle's POV


"Good morning, Philippines!" masigla kong bungad sa sarili ko paggising ko. Hindi pa man din ako kumain kagabi, meryenda lang ang nakain ko. Ba't hindi man lang ako ginising ni mama o kaya ni papa.

Bumangon na ako at inayos ang kama ko, sabay diretso ko sa banyo upang maligo. Hanggang sa pagligo ko, nangungulit na ang tiyan ko sa gutom. Salamat naman at hindi ko napanaginipan si ate Roxanne at papa.

'Kroo… kroo~'

Nagbihis ako at lumabas na para kumain. Pagbaba ko sa hagdan. Wala sina mama at papa sa sala. Lagi kasi silang nasa sala sa tuwing paggising ko. Pero ngayon wala sila, san naman nagpunta ang mga 'yon?

Tumingin ako sa kalendaryong nakasabit sa bandang wall ng kusina. Itnuro ko ang date at napatigil ako sa sabado. "Sabado na pala ngayon." bulong ko at dumiretso na lang sa dining table, "Maaaa... Paaa... " tawag ko sa kanila.

Nilibot ko na ang buong bahay pati sa mga silong silong, sinilip ko na din malay niyo baka may nakain sila at bigla silang lumiit. Parang 'yung sa Alice and the wonderland lang ang peg.

Hindi ko sila mahanap. Siguro lumabas sila. Bumalik na lang muli ako sa kusina para magluto ng makakain ko. Binuksan ko 'yung refrigerator namin kung may laman pa bang pagkain na available.

At may laman pa naman na itlog.

Astig 'tong ref namin itlog lang ang laman. Hanep 'no? Kaya siguro wala sina mama baka nag grocery para may laman ang refrigerator namin. Kamalas-malasan naman oh, talagang itlog pa ang natira ba't hindi na lang hotdog?

Iprinito ko na lang yong itlog kahit labag sa kalooban kung kainin. "Magiging manok pa to, pero pag kinain ba kitang itlog ka, magkakamanok na ako sa tiyan?" tanong ko sa kawaling kasalukuyang luto na ang itlog.

"Ba't hindi ka sumasagot? Malamang, luto ka na pala at hindi ka pala tao." sagot ko na lang sa aking sarili. Inilipat ko na lang sa pinggan ko 'yong itlog. Sumandok na ako ng kanin at saka umupo na ako sa mesa.

Hay, salamat nakaraos din sa gutom. Matapos akong kumain pumunta na ulit ako sa kwarto ko para kunin 'yong cellphone ko. Hindi din ako nagtagal sa kuwarto, agad din naman akong bumaba.

Binuksan ko 'yong TV at nanonood na lang ako. Titiisin ko na lang kahit puro pambata ang palabas ngayon. Bata pa naman din ako. Inilipat ko ng Inilipat ang channel at pinanood ko na lang 'yong Maynila. "Woi, sinong mga artista ang gumaganap ngayon?"

"Ang boring naman nakakainis sabado pa naman kasi!" maktol kong mag-isa sa sala at kinuha ko yung phone ko na nasa tabi ko. Tawagan ko na lang sina Jerome at Estella, sasabihin kong samahan nila ako dito sa bahay kasi nabo-boring ako.

Tama! Tama ang naisip ko.

Pagtingin ko sa cellphone ko nagulat ako. E paano ba naman, 5 missed calls agad at 5 messages. Binasa ko na isa isa ang mga text.

From: Mama

Anak, magluto ka na lang ng almusal mo dyan. Huwag mo na kaming hanapin dahil may pinuntahan lang kami ni papa mo. Pagbalik namin dyan may sangkatutak na kaming dalang pagkain.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon