-Chapter 10- The Bipolar

48.9K 1.6K 79
                                    

Racelle's POV

Nasa bahay na ako at nakatambay sa kubo namin. May bitbit akong sketch pad at nagsimulang gumihit ng kung anu-ano. Tuwing nagdro-drawing ako naaalala ko 'yong masaya naming pamilya noon na ako ang sumira.

"Ayan ka na naman Racelle, huwag mo ng isipin 'yon. Mai-stress ka na naman niyan." bilin ko sa sarili ko. Ayoko na. Pagod na akong managinip ng masama at sisisihin lang ako ni ate.

Namataan ko naman na may nag park ng kotse sa katabi naming bahay. Pinanliitan ko ito ng mata at sinuri. Lumabas sa kotse ang isang babae at lalaki na nasa mid 40's na, mas nabigla ako ng lumabas si Kitian sa driver seat at inis na inis ang ekspresiyon niyang sumunod sa dalawang lumabas.

Sinundan ko lang sila ng tingin. May dala-dalang mga maleta 'yong mga kausap niya. Hays! Umarangkada na naman pagkatsismosa ko. Bumuntong hininga ako at ibinalik na lang ang atensyon ko sa pagguhit. May mga bagay na hindi mo na dapat pakialaman pa.

Nang natapos ko ang ginuguhit ko masaya ko itong iniangat at tuwang-tuwa pa ako. "Yehey! Tapos na din ang drawing ko sa beh ko."

Sinulyapan ko saglit ang kotseng nakaparada kaso wala na. Tumayo ako at pasimple akong sumilip sa kabilang bahay na nakaupo para hindi nila ako mahalata. Hindi naman ako mahahalata dahil may mga bakod na namamagitan sa bahay namin. Napadako ang mata ko sa isang mata na sumisilip din sa pagitan ng mababang bakod na ito. Lumayo ako ng kaunti at kinusot-kusot ang mata ko.

Ibinalik ko ulit ang pagsilip pero bakit wala na 'yong mata? "Sabi ko na nga ba namamalik mata lang ako." bulong ko sa aking sarili. Tumayo na ako at pinagpagan ang shorts ko. Tumingala ako at kamuntikan na akong mawalan ng balanse buti na lang ay agad akong hinawakan ni Kitian sa kamay.

Hinila niya ako palapit kaya napasubsob ako sa dibdib niya kahit may mga bakod na nakaharang sa amin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya, 'kinakabahan din kaya ito?' tanong ko sa aking isipan.

"Alam mo bang pinagbantaan ko si Yvonne 'nong araw na pinaliguan ka niya ng ihi, na tigilan ka na niya? Hindi ka na ba niya sinasaktan ngayon?"

Nagtagal kami ng ilang segundo sa ganong posisyon ngunit nang na-realize ko ay agad akong humiwalay sa kaniya at hingal na hingal ako kahit hindi naman ako tumakbo. Ganito na ba ako kabado? Nag inhale exhale ako para kumalma ako. Wala naman akong asthma sadyang OA lang 'tong pangangatawan ko pag siya ang kaharap ko.

"Ha? Bakit mo naman ginawa yon?" tanong ko na nakaiwas ng tingin.

"Ginawa ko 'yon dahil sa'yo. I don't want to see you hurt. I don't want to see you like that, I am concerned." hindi ko alam kung anong mararamdaman ko o sasabihin sa kaniya. Hindi naman kasi siya ganiyan sa akin.

"Bakit kailangan mo pang gawin iyon?"

"Cause I'm concerned and..."

"And what?" naiilang kong tanong sa kaniya. Hindi naman niya dapat gawin iyon dahil mas lalo lang akong papahirapan ni Yvonne. She will bully me again, kilala ko siya. Araw araw niya akong binubully, dalawang araw lang siyang mananahimik at magpapanggap na anghel. She's obsessed with him at ayaw niyang nakikita akong kasama ko sila.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon