Chapter 58: Seventh Monthsary

19.2K 566 14
                                    

~*~
Racelle's POV

"Racelle, mag-almusal ka na tapos na kami ng papa mo." bungad ni mama sa akin pagkababa ko. "Sige po, enjoy your lambingan." sagot ko naman.

"Bitter ka ba sa amin anak?" tanong ni papa nang lingunin niya ako. "Pa, bakit cartoon? Bumata kayo ni mama?" balik na tanong ko dahil napansin kong cartooons 'yong pinapanood nila.

"Para naman bumata kami kahit papaano ng papa mo, na-miss na rin namin ang buhay pagkabata. Yong tipong walang bangayan, mga gano'n anak." sagot ni mama. Ngumiwi ako sa kanila sabay iling. "Spongebob haha!" sutil ko saka ako dumiretso sa dining room upang mag-almusal na.

Matapos kong mag-almusal ay dumiretso ako sa sala at nakinood sa sponge bob na pinapanood nila. "Wala po kayong trabaho papa?" tanong ko. Nasanay na kasi akong paggising ko wala na si papa sa bahay at si mama ay papaalis pa lang sa tuwing mag-aalmusal pa lamang ako.

"Ikaw wala ka bang pasok?" tanong pabalik ni papa na ikinabuntong hininga ko. Ang ganda kausap minsan ni papa, nagtatanong ka, magtatanong din. Kumamot ako sa ulo at sumandal sa couch.

"Sunday po ngayon papa, wala po kaming pasok." nagulat naman si papa sa sagot ko. "Teka, ano na bang petsa ngayon?" tanong niyang tila kakagising niya lang sa isang panaginip. Umiling na lamang ako sabay sapo ko sa aking noo habang si mama ay tumawa.

"Hon. August 16 ngayon." sagot ni mama habang tumatawa samantalang ako ay tila nagulat din sa narinig. "Po? Anong petsa na ngayon?"

"Anak narinig mo na hindi ba? August 16 ngayon at bakit parang gulat ka rin tulad ng papa mo?" tawang-tawang tanong ni mama. Napahilamos ako nang maalala ko kung ano ang meron ngayon. Kaya pala ganon kahaba ngayon ang text niya sa akin.

"Hindi naman po, pinaulit ko lang ulit mama para klaro kasi ano ma eh," sabay kamot ko at tila hindi ako prepared kung anong ibibigay ko sa kaniya. "Ano?" sabay nilang tanong sa akin.

"Monthsary namin ngayon ni Kitian at hindi ko man lang agad naalala. Akala ko kasi eh, bukas pa ang 16 kaya pa-chill chill lang ako." sagot ko habang pakamot-kamot sa buhok ko at ngiting mapakla.

"Happy monthsary anak! SS sa inyo ng boyfriend mo." masayang bati ni mama ngunit nangunot ang noo ko sa 'SS' ano iyon? Tumawa bigla sila sabay apir pa nila. Mag-asawa ba ang mga ito o magkaibigan lang? Parang magkaibigan lang kasi ang asta nila ngayon sa harap ko.

"Stay Strong anak." sabi ni papa at doon ko lamang naintindihan ang ibig sabihin ng SS. Tumango at ngumiti ako kila mama, "Salamat mana, papa."

"Walang anuman, anak. Sige na't lumabas ka ng bahay kung lalabas ka dahil manonood kami ng mama mo rito ng sponge bob." sabi ni papa na ikinalingon ko. "Grabe papa, parang dati lang na ayaw mo akong palabasin ng bahay tapos ngayon... haha! Salamat!"

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon