Chapter 03: Stressed

15K 373 22
                                    

Racelle's PoV

"Racelle, bakit?" malungkot ang mga mata niyang tanong. Umiiyak na siya na punong-puno nang pagkamuhi ang tingin sa'kin.

"Racelle, bakit mo hinayaan?!"

Sinisisi niya ako sa pagkawala niya at sa pagkawala ng papa namin. Kasalanan ko naman talaga at dapat ako 'yong nasa posisyon niya ngayon at sana buhay pa silang dalawa ni papa.

"Mamatay tao ka!" sigaw niya at palapit siya sa'kin. Umambang sasakalin niya ako, kaso tumakbo ako nang tumakbo, ngunit sa kasamaamg palad napatid ako.

Hindi ko alam ang gagawin. Nandito na siya sa tapat ko. Naiiyak ako dahil kitang-kita ko kung paano manlisik sa galit ang mga mata niya.

"Patawad, ate. . ." naisambit ko pero hindi niya 'yon narinig.

Dahan-dahan siyang lumuhod para pumantay sa'kin at unti-unti niyang inilagay ang kamay sa leeg ko at dahan-dahang hinihigpitan.

Tinampal-tampal ko ang kamay niya para bitiwan ang leeg ko. Hindi na ako makahinga.

"Kasalanan mo ang lahat!" paninisi niya. Hinigpitan niya lalo hanggang sa unti-unting tumitirik ang mata ko at hindi mahabol ang paghinga.

Napabangon agad ako sa isang malakas na ingay. Habol-habol ko pa ang paghinga ko. Naasar kong pinatay 'yong alarm clock na nasa bed side table at napapunas na lang ako ng pawis kong ang lamig-lamig.

"Panaginip na naman pala," nailing kong sabi. Binabangungot na naman ako.

Ngayon ko na naman siya napanaginipan, sa kakaisip ko siguro kagabi kung ano nga ba ang kasalanan ko kay Kitian at bakit siya ganon sa'kin kaya na-stress na naman ako.

"Oo na, ako na ang may kasalanan sa lahat! Ako na ang salot. Ako na ang malas sa pamilyang 'to." sabi ko sa sarili at inuntog ko ang ulo sa headboard ng kama. Kung maibabalik ko lang, iwawasto ko ang lahat.

"Race, anak. Mag-almusal na tayo," sambit ni papa na sinabayan niya ng pagkatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Opo, pababa na po ako," matamlay kong sagot.

Bumangon naman na ako at ginawa ang daily routine ko sa buhay. Inayos ang higaan at dumiretso saglit sa banyo para maligo.

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kusina kahit nasa sala ang parents ko. Aba! Tinawag-tawag ako tapos hindi sila kakain? Tumungo ako sa kusina at tinignan 'yong mga nakahanda sa dining table.

"Ma, Pa! Nag-almusal na ba kayo?"

"Hindi pa anak, hinihintay ka lang namin." Narinig kong sagot ni mama. Napatango na lang ako at naghila ng upuan.

"Kain na tayo," pag-aaya ko at nagsiupuan sila sa kani-kanilang puwesto pagkapasok sa kusina.

"Ay! Teka," pagpigil ni papa na nakataas ang palad sa ere.

Napatingin naman kaming dalawa ni mama. "Oh, bakit, hon?" tanong ni mama.

"Yong TV hindi pa natin na-switch off," sabi niya.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon