-Chapter 18- In Love ♥

41.6K 1.4K 100
                                    

Racelle POV

"Ano ba!" naiinis kong tinabig ang kamay niyang marahas na hinahawakan ang braso ko. "Bakit ikaw pa 'tong galit?"

Tahimik lang niya akong tiningnan ngunit walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha, kaya sa inis ko ay umakyat na lang ako patungong kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at hinaplos ang pisngi kong kay hapdi. Tae! Para akong may mumps.

Tamad kong inabot ang salamin na nasa side table ko. Sumimangot ako ng makita ako ang pisngi ko. Para akong nag-blush on. Sana sinampal niya ako 'nong mga bandang kinikilig ako para naman may silbi ang pamumula ng pisngi ko.

Nagsitulo na naman ang mga luha ko. Sobrang mahina akong tao. Dinampot ko ang unan na natatakpan ng bed cover ko at niyakap na lamang ito.

"Sana pala ako na lang 'yong namatay... sana ako na lang talaga, para hindi ko na maranasan ang mga pasakit." bulong ko at isinubsob ko lalo ang mukha ko sa unan. Gusto kong hindi na huminga para mamaya, relaxed na lang ako.

Relax na relax na nakatulog sa isang kabaong at malayang natutulog na lang. Sana ganon ako ngayon, kaso echapuera lang talaga si ate at iniligtas pa ako. Tapos ngayon sinisisi niya ako sa panaginip. Nakakapanghinang loob na mabuhay.

Diniinan ko ang pagkakasubsob ng mukha ko sa unan. Pilit ko ding pinatigil ang aking paghinga sa kagustuhang mamahinga na.

****

"RACELLE!" isang malakas na sigaw upang mapabalikwas ako at bumangon agad agad. Gulat na gulat akong napatingin sa paligid.

Bakit ako nasa puting kuwarto? Tiningnan ko ang kamang kinauupuan ko at kulay puti din ito. Hindi kaya nasa hospital ako? Hospital bed itong kinauupuan ko ngayon. Agad akong umatras kasabay 'non napansin ko na may mga tao palang nakamasid sa akin sa gilid.

Gulat na gulat ko silang tiningnan lahat. What are they doing here? Hinawakan ko ang pulso ko at may nakakabit pala na kung anong bagay, na gaya ng nakakabit sa akin noong isinugod ako sa hospital.

Bago pa ako magsalita ay bumukas ang pintuan at inuluwa doon si mama, na alalang-alala ang mukha niya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang mukha ko, maluha-luha si mamang hinahaplos haplos ang buhok ko papunta sa mukha ko.

"Why did you do that again? Why are you committing suicide again? Di ba sabi namin ng papa mo, kung may problema ka you can share it to us." umurong ang dila ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko kanina.

"I'm sorry." iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Yumakap sa akin si mama at heto na naman ako... umiiyak.

"Andito naman kami ng papa mo para pagsabihan mo ng problema mo, pwede mo rin namang sabihin sa mga kaibigan mo ang problema mo pero bakit kailangan mo pang kimkimin ang lahat?" sumbat sa akin ni mama na tila naiinis siya sa aking ginawa. Wala akong maisagot dahil gusto ko lamang mamahinga.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon