Chapter 04: Bad Day

111K 2.3K 135
                                    

Dedicated to: flyingmemories

Racelle's POV

Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis. Mas gusto kong naliligo agad kapag bagong gising ako para tuluyang magising ang inaantok ko pang diwa. Pagkababa ko ay naabutan ko si papa na nasa sala habang nanonood ng TV.
"Good morning!" masigla kong bati kay papa na bahagyang ikinagulat pa niya.

Tinawanan ko ang naging reaksyon niya. Bumungad sa akin ang pahabang mesa na kasya ang walo, kahit tatlo lang naman kami rito sa bahay. Sari-saring amoy ang bumungad. Nilapitan ko ang mesa para alisin ang mga pinggan na nakatakip sa mga babasaging mangkok.

"Pancit Canton, itlog, hotdog tapos. . . kanin."

"Naghahanap ka pa ba ng iba, Racelle?"

"Ah, hindi po. Pero sana next time ibang klaseng almusal din," pasimple kong reklamo.

Tumawa si mama. "Hayaan mo pancake bukas ang almusal. Siya, tawagin mo na ang papa mo para makakain na tayo't makapagsimba," utos ni mama.

Tumapat lang ako sa pinto at pasigaw na tinawag siya, "Papa, kain na tayo!"

"Hyper ka ngayon, ah."

Narinig kong sabi ni papa bago ako umupo sa dining table. Nauna akong nagsandok ng pagkain ko. Habang kumakain, nagkuwetuhan lang kami tungkol sa magandang lugar na balak nilang puntahan nina mama.

"What do you think?" tanong ni papa kay mama, samantalang ako nakabusangot lang. Paano ba naman, sila lang ang lalabas tapos ako, hindi nila isasama.

"Mukhang maganda nga doon, pero mas maganda kung family outing," suhestyon ni mama.

"Hindi ba puwedeng tayong dalawa lang hon? Gusto kita kasing masolo sa magandang lugar na iyon."

Napangiwi ako habang kumakain. Cheesy ni papa, kulang na lang maging taong keso na siya.

"Tapos na po akong kumain. Hintayin ko na lang po kayo sa sala." Agad akong tumayo para magtungo sa sala. Pagkakuha ko sa remote ay inilipat ko sa ibang channel.

Bumilog ang labi ko dahil eksaktong may nagustuhan ako. Tuwang-tuwa akong umupo sa sofa. Dora the explorer ang palabas. Na-miss kong makita si Dora kasama si boots.

"Tsitsiritsit si Dora, umihi si Dora, nakita ni boots," pagkanta ko sa kawalan sabay tawa ko na parang tanga.

Nawala ang tingin ko sa TV nang mag-vibrate sabay ring iyong phone ko sa bulsa.

"Morning!" bungad ko.

"I'm the map, I'm the map, I'm the map!"

Malakas siyang tumawa sa kabilang linya. ("Morning, isip batang bakla. Ang tanda-tanda mo na Dora pa rin pinapanood mo? Ba't hindi na lang documentary ang panoorin mo o 'di naman kaya'y mga blockbuster movies na ipinapalabas nila sa ibang channel.")

Umirap lang ako sa kawalan.  "Pakabitan mo kami ng cable para masaya ako. Wala na nga akong mapanood eh, saka na-miss ko lang si Dora."

("Hay nako! Marami kayong pera at hanggang ngayon nagtitipid ka pa rin Racelle? Request mo sa papa mo na magpakabit kayo. Wala akong budget ngayon sa request mo saka hanggang pagkain lang ang keri ko sa'yo. By the way, classmates tayo.")

Natutop ko ang labi. "Talaga? Classmates tayo? Si Estella? Iyong mga heartthrob kings, classmates din ba natin ulit?"

Sana mag-classmate kaming lahat ulit maliban kay Kitian at Yvonne. Ayaw ko maging classmates ang dalawang 'yon dahil paniguradong gugulo ang buhay ko sa buong school year.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon