Chapter 63: Bleeding Heart

15.7K 533 91
                                    

Racelle's POV

Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina upang mag-almusal. Nagmamadali akong umalis dahil may kailangan pa akong kausapin. Natigil ako nang bumungad sa akin sina mama at papa na kumakain doon. “Morning,” bati ko sa kanila at kumuha ng sandwich na inihanda nila saka ako umalis.

Agad akong nagtungo sa canteen nang ako ay makarating sa Campus. Medyo inaantok pa ako dahil madaling araw ko ng nakuha ang tukog ko dahil sa kakaisip. Umupo ako sa bandang dulo upang abangan siya. Luminga-linga ako hanggang sa nakita ko ang kaniyang likod.

Nag-o-order siya ng kaniyang pagkain ngunit hinanap ng mata ko kung may kasama siya pero maswerte dahil wala. Inayos ko muna ang sarili ko at inihanda ang sarili sa paglapit niya. Nang papaharap na siya ay agad naman akong tumayo at gumilid upang hindi niya mapansin na nandito ako. Lumampas na siya kung nasaan ako kaya walang kaba-kaba at hindi na nagpatumpik-tumpik pang yakapin siya mula sa likod dahilan upang mapatigil siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tila nakuryente naman ako sa paghawak niya. Nangingiti ako dahil sa ilang araw ko na rin siyang hindi nakayakap ng ganito. Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya, dinadamdam ang higpit ng aking yakap sa kaniya na umaasang yumakap rin siya pabalik.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Wala na tayong pag-uusapan pa. Once is enough." madiin niyang sabi at pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakayapos sa kaniya subalit mas hinigpitan ko pa ito kahit nakakalmot na niya ang balat ko. Natanggal ang isa kong kamay ngunit mabilis ko itong ibinalik sa pagkakayakap.

"Hindi ako bibitaw, kahit bumitaw ka na. Itinali ko na sa kamay ko ang hugis pusong lobo na sumisimbolo sa iyong pag-ibig kaya hindi ko 'yon bibitawan. Kahit mangalay ako sa kakakapit at kakahawak sa lobo na 'yon, hindi talaga ako bibitaw dahil gano'n kita kamahal." madamdamin kong pagbitaw ng aking mga linya.

Nakailang tanggal na siya ngunit hindi talaga ako magpapatinag, muli kong ibinalik ang mga kamay ko. Akala ko ay hindi na siya sasagot pa pero hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi. "Kapag pinutol ko ang tali ng lobo at lumipad na ito palayo hindi mo na siya makukuha at maibabalik 'di ba?" tanong niya.

Natigil ako dahil tama siya, may punto siya. Pero may dahilan pa, pwede pa naman akong bumili ng bago upang ipalit sa lumipad na lobo. Muli niyang tinanggal ang kamay ko at hindi ko na naibalik pa sa pagkakayakap. Humakbang ito palabas pero sinunsundan ko siya.

Tumapat kami sa isang classroom na walang ginagawa kaya't nagsa-sound trip sila. Saktong ang ipinapatugtog nila ay relate na relate ako. (Now Playing: Anong nangyari sa ating dalawa)

"Bibili na lang ako ng bago dahil puso mo naman yon eh. Let's start again." sabi ko. Nakangising humarap ito sa akin.

"Bibili ka ng bago? Sa tingin mo ba pagmamahal ko pa rin 'yon kapag bumili ka ng bago? Sa tingin mo nandon pa rin ang lahat lahat? Wala na 'di ba? Wala na! Hindi mo na maibabalik ang lobong iyon dahil lumipad na at bumitaw na. Kaya huwag mo nang subukang ipaglaban pa dahil masasaktan ka lang sa gagawin mo." madiin at makahulugang sabi niya sa akin.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon