Chapter 57: The Promise

19K 596 46
                                    

Racelle's POV

-flashback-

Natulala ako ng ilang minuto sa sinabi ng lolo niya sa akin. Bumalik lang ako sa realidad ng biglang lumabas si Kitian sa kusina. Pasimple akong tumalikod at mabilis na pinunasan ang papatulo ng luha ko.

"Lunc— oh, Lolo ba't po kayo nandito?" bakas sa boses niya ang gulat. Humarap ako at pekeng ngumiti sa kaniya na kahit ang totoo ay nasasaktan na ako.

Pumungay ang mga mata niyang tumingin sa akin, saka ito lumapit at ngiting umakbay. Napapayuko ako sa tuwing magsasalubong ang tingin namin ng lolo niya. Ang sama-sama ng tingin niya tila ba mangangain ng buhay dahil sa pag-akbay sa akin ng kaniyang apo.

Halos maihi na ako sa takot at tumakbo palabas ngunit pinipigilan ko lamang ang sarili ko. Iniisip na 'hindi naman siguro mangyayari ang iniisip ko' pilit kong pinapalakas ang aking loob. Subalit sa tuwing mapapatingin talaga ako sa lolo niya ay nawawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko, anytime kayang-kaya niya kaming paghiwalayin sa harap niya. Mata pa lang niya, alam mo ng may masamang intesyon.

Pormal itong umupo sa couch at tumingin sa kaniyang apong si Kitian. Naka-akbay pa rin ito sa akin at mas lalong inilapit ako mula sa kaniya kaya mas lalo tuloy sumama ang tingin sa akin ng lolo niya. "Bakit apo? Masama bang dalawin kita rito?" may pagkasarakastiko nitong sabi sabay baling muli sa akin ng tingin.

Mukhang ako yata ang yelo na anytime, any minute, any seconds, matutunaw na ako rito sa kanilang harap. Lumingon ako kay Kitian na kumamot sa kaniyang batok at may ibunulong pa sa akin. “Nandito lang ako.” ang ibunulong niya ay isang reminder na walang masamang mangyayari dahil kasama ko siya. Sana nga.

"Hindi naman po Lo, nabigla lang po ako. Bigla na lang kayong napadalaw sa condo ko ng walang pasabi, eh." sagot ni Kitian. Lunok at ngumiiti ng pilit ang nagagawa ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagpisil ni Kitian sa balikat ko dahilan upang tingnan ko siya.

"Kailangan pa bang ipaalam ko sa 'yo? Gusto lang naman kitang mabisita," sagot ng lolo niya. Bumitaw sa pagkaka-akbay sa akin si Kitian at muling napakamot sa batok niyang mahahalata ang inis.

"Hindi naman po sa ganon. Anyways, kumain na lang tayo!" pag-iiba niya ng usapan saka ito bumalik sa kusina upang ihanda na ang mesa. Pasimple rin naman akong tumalikod at itinuloy ang ginagawa kong paglilinis sa condo niya. Hindi ko na lang pinapansin ang mga paninitig niya sa akin, ibinabaling ko na lang sa pamumulot ko ng styro at food pack na nagkalat sa mahabang sofa. Nahihiya akong lumapit sa kinaroroonan niya upang pulutin at i-shoot sa plastic na hawak-hawak ko ang pinakahuling kalat.

Nagitla ako mula sa pagkakayuko kaya napatingala agad ako nang nagsalita ang lolo niya. "Hija, mawalang galang na. Hindi kita gusto para sa apo ko. Saka tigil-tigilan mo na ang paglilinis mo diyan at umuwi ka na. Pakiusap ko na din na lubayan mo na ang apo ko dahil ikakasal na siya." prangka at seryoso niyang sabi.

Tila sinakasak ang puso ko sa mga sinabi niya kaya wala akong magawa kundi ang mapayuko at magkunwaring hindi ko naintindihan. "Po?" nagmamaang-maangan kong sagot na tila ba hindi ko narinig 'yong sinabi ng lolo niya.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Onde histórias criam vida. Descubra agora