-Chapter 05- Partner

68.9K 1.8K 140
                                    

Racelle's POV

Hinila ako ni Kitian at niyakap ako. Namulagat ang mata ko sa gulat dahil sa kaniyang ginawa. Dali-dali kong hinawakan ang kamay niya para alisin, pero hinigpitan niya ito.

"Don't move," sabi niya.

Kumunot ang noo ko at ngayon ko lang napansing nakaalis na sina Tristan, Mike, Justin at William dahil kung hindi, sigurado akong mang-aasar na naman ang mga 'yon.

Bumalik ang atensyon ko sa sinabi niya. Hindi ko siya pinakinggan. Inalis ko iyong kamay niya at lumayo nang kaunti.

Mas lalong dumami ang guhit sa noo ko nang muli niya akong hilain pabalik, pinatalikod at niyakap mula sa likod. Ano'ng trip niya? Hindi naman niya ako pinapansin ta's ang lakas ng loob niyang hilain ako.

"Bakit?" tanging naisambit ko sa kaniya habang hindi ako makalingon. "Tsinasantsing-an mo ba ako?"

Humalakhak siya. "Why would I do that?" Kumalas siya sa yakap at nginisian ako. "Dream on."

Magsasalita sana ako pero agad niya akong inunahan. "May tagos ka kaya kita niyakap."

Namilog ang mata kong tinakpan ang likod ng palda ko. Gusto kong maglaho bigla dahil sa sinabi niya. Nakakahiya! Lalaki pa ang nakakita at sa kamalas-malasan, bakit siya pa?

"I'm not a pervert," dagdag niya.

"Wala akong sinabing gano'n," sagot ko. Hindi naman iyon ang tumatakbo sa isip ko. Masyado niya agad akong pinapangunahan.

Umirap lang siya nakalalaking paraan. Marahan naman akong humakbang paatras para umalis sa harap niya. Pakiramdam ko para na akong kamatis sa sobrang pamumula dahil sa kahihiyang natatanggap ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kung tatakbo ba ako papunta sa banyo pero malayo o tatayo na lang ako dito. Bumuga ako ng hangin at bumuwelo sa pagtalikod sa kaniya para umalis, subalit hindi ko naituloy nang mapatikhim siya nang may kalakasan.

"Here, take this." Iniabot niya sa akin ang suot niyang jersey jacket na kulay itim.

Umawang ang bibig kong tinititigan iyong nakalahad sa akin. Gusto kong kurutin ang sarili ko para kumpirmahin kung totoo ba itong nasa harap ko o imagination ko lang.

Kailan pa siya natutong tulungan ako? Ano kaya ang nakain niya?

Baka nabudburan ng magic sarap pagkain niya. Nakakabait pala iyon.

"Nakakain ka ba ng pagkain na may magic—"

"Pakibilisan ang pagkuha. Nangangalay na ako," malamig niyang saad habang nakataas ang isang kilay niya.

Marahas siyang nagkamot ng buhok saka inumpisahang humakbang palapit sa akin. Walang sabi-sabi niyang itinupi ang jacket at itinali sa baywang ko ang mahabang sleeve. Napalapit pa ako sa ginawa niya dahil bahagya niyang hinila para itali nang mahigpit kaya hindi ko naitago ang pagngiwi ko sa ginawa niya.

Tuluyan akong nalagutan ng hininga sa pag-angat niya ng paningin. Malamig na may kasamang pagbabanta.

"Th-thank you," nauutal kong sagot, pero tinalikuran niya agad ako.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon