Chapter 62: The Difference of Happiness

16.6K 581 56
                                    


Tristan POV

Abala ako sa pags-scroll down sa facebook posts ng isang babaeng nagugustuhan ko pero biglang nag-pop up sa screen ng phone ko ang pangalan ni William. Nagdadalawang isip pa akong i-reject ito o sagutin dahil abala ako sa pangs-stalk sa profile niya.

Ni-reject ko ang una at pangalawa niyang tawag sa akin. Nag pop ang pangalan ng babaeng ito sa messenger chat head, napangiti ako dahil siya ang unang pumansin sa akin.

“Thank you for the flooding my notification.”

Lumapad ang ngiti ko nang mag message siya halos mapalundag na nga ako sa tuwa. Nakakabakla. Mabilis kong ipinuwesto ang daliri ko sa keyboard ng laptop ko upang akin siyang reply-an.

“No problem.” nakangiti kong pinindot ang enter. Muli kong hinalikan ang kaniyang profile picture. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay parang na love at first sight ako. Unang pagkikita pa lang kasi namin ay may hindi na magandang nangyari, siya 'yong babaeng hindi na alam ang gagawin dahil nahulog at nabasa ang pinaghirapan niyang report sa basang bahagi ng hallway.

After ng pagkikita naming iyon ay nasundan pa ng isa, 'yong araw na nagmamadali siya at may dala-dalang kape at eksaktong abala rin ako ay nasagi niya ang mga gamit ko. Hindi pa roon nagtatapos dahil hindi niya sinasadyang nabuhos niya sa akin ang dala-dalang niyang kape at ramdam ko ang init. Bagong gawa lang ang kape na iyon at nabinyagan niya ang kabago-bagong bili kong damit.

Sa ikatlong pagtatagpo ng aming landas ay doon naman sa isang restaurant. Isang branch ng restaurant nila Kitian dito sa Australia, sarap na sarap akong kumakain ngunit hindi ko napansing may umupo sa harap ko. Gulat ako sa panahong iyon at tila sinusuri pa ang hitsura niya dahil may kamukha lang siya na hindi ko maalala. Parang kilala ko ang ex niya pero hindi ko nga lang maalala.

“Are you Marjor—” natigil ako sa pagtipa ng muling lumitaw sa screen ng phone ko ang pangalan ni William.

(“What's up dude?”) bungad niya sa kabilang linya.

“Yow! Yow!” bungad ko rin sa kaniya. Nakatingin lang ako sa screen ng laptop ko dahil may mensahe na naman siyang ipinadala. Hindi ko nga lang makita dahil bahagya akong lumayo roon.

(“Naalala mo pa ba si Racelle? Isang buwan na rin ang nakalipas baka kasi nakalimutan mo na siya.”)

“Mukha ba akong nagka-amnesia. Hindi ko naman siya kinalimutan, ang nararamdaman ko lang ang nakalimutan ko sa kaniya.” sagot ko.

Malabong makalimutan ko naman ang babaeng minsan ko na ring naibigan, ngunit aaminin ko. Paunti-unti ko ng nakakalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya at ang hinihiling ko lang ay sana magtuloy-tuloy na ang paglimot ng nararamdaman ko para sa kaniya.

(“Ang tanong nakalimutan mo na nga ba ang nararamdaman mo sa kaniya? I mean did you already move on?”) nangunot ang noo ko sa tanong niya. Napaisip ako at pinakiramdaman ang sarili.

“Sa tingin ko unti-unti ko ng nakakalimutan.” buong puso kong sagot na narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. “Bakit ka natawa? Seryoso ako sa sinabi ko.” giit ko.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon