Chapter 41: Sweetie Baby Boy

25.1K 864 26
                                    


Itong chapter na 'to dati, nong nagsisimula pa lang ako 8k reads pa lang ang librong ito, pero ngayon umabot na ng 'M' ang 'K' reads niya. Gusto ko lang sabihin na SALAMAT, salamat kasi binabasa mo ang gawa kong hindi kagandahan, salamat rin sa 'yo— sa mga tao na in-add nila ang istorya ko sa reading list nila.

~enjoy reading ❤

~•~

Racelle POV

Pagkatapos ng mala-teleseryeng pagsusuot namin ng couple bracelet sa isa't isa, umalis na kami sa mall. Jusko, late na kami. Ngayon ngayon ko lang napansin ang oras nang makabalik na kami sa school. Lakad takbo ang ginawa ko habang sinasabayan naman ako ni Kitian. “Calm down. Walang leon na humahabol sa 'yo, pero puso ko hinahabol ka.” 

“Mamaya ka na bumanat dyan Kitian Bentley, kinakabahan ako. Wala ngang humahabol sa akin na leon pero asal leon ang teacher ko na iyon!” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ang nilalamig kong kamay. Nakakakaba naman si ma'am Gatchalian.

“Huwag kang kabahan, kung gusto mo Makiki seat in na rin ako.” seryosong sabi niya. Tinignan ko lang siya ng blangko, “Gagawin mo ‘yon?”

“Oo, gagawin ko para pareho tayong mapapagalitan ng teacher mo na 'yan. Kung mapapagalitan ka, dapat pati ako. Ayoko namang ikaw ang laging nahihirapan.”

Sasang-ayon na ako ngunit napaisip ako. “Huwag na hindi na kailangan. Pumasok ka na baby boy, ayokong madamay ka.” kumaway ako sa kaniya bilang pagpapaalam sabay takbo.

Pagpasok ko sa classroom, surprise free speech sa teacher ko ang nakuha. "Ms. Cruz! Why are you late? Pumasok ka pa talaga sa klase ko at alam mo ng malapit na akong umalis! Kung alam mong late ka na ay huwag ka ng pumasok. Hindi porket gilrlpren (matigas na pronunciation. xD) ka ng sikat na estudyante dito ay may karapatan ka ng magpa-late sa klase ko!” nagulat ako sa sobrang galit at diin ng pagkakasabi ni ma'am. Nanlaki pa ang mga mata ko sa sobrang gulat, ang mga kaklase ko ay sa akin nakatingin. May naalala akong ganitong scenario, nong nasa elementary pa ako. Sana hindi mangyari yong ganon, ayoko.

Naramdaman ko na lang pangangatog ng tuhod ko. Mauulit na naman kaya ang scenario na 'yon? Ganitong ganito iyon, yong pinagalitan ako ng teacher ko tapos may pagtatawanan nila ako dahil nakaihi na ako sa nerbyos, at nang maglakad na ako papuntang upuan ako ay nadulas ako. May balat pala ng saging sa sahig na hindi ko pinansin. “Ma'am makiki-seat in lang po ako sa klase niyo ngayong buong hapon.” rinig kong paalam niya nang lingunin ko siyang kaharap niya ang adviser kong dumaan.

“Umupo na tayo,” sabay hila niya sa akin sa bakanteng upuan, sa likod. Tinignan ko ang teacher ko ng nahihiya at may takot sa mata. “Next time don't be late to my class again or else sa detention room na tayo magkikita.” sermon ni ma'am at ipinagpatuloy ang kaniyang discussion. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa wakas hindi naulit, at sa wakas hindi ako lalong napahiya.

“Nakita kita kaninang nangangatog na ang tuhod mo, what was that? Are you afraid?” nag-aalala niyang tanong sa akin na ramdam kong sa akin siya nakatingin. Ang tingin ko ay nasa harap, ayoko siyang lingunin dahil baka kapag nilingon ko mamaya ako na naman ang pag-initan ng ulo ng teacher ko. “Oo, natatakot ako at naalala ko lang yong dating nangyari sa akin, it just a relieve nang hindi naman pala ganon katindi ang mangyayari.” sagot ko.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon