Chapter 61: His Real Fiancé

17K 545 35
                                    

Racelle's POV

Nakaubob ang mukha ko sa mesa habang pinapatahan ang aking sarili. Basang-basa ang buo kong mukha pati mga ang sipon ko ay tumulo na. Naramdaman ko ang presensiya ng isang babaeng tumabi sa akin at mahinang niyugyog ang balikat ko. “Miss, bawal tumambay dito kapag oras ng klase kaya bumalik ka na sa klase niyo bago ka ma-guidance.” sabi nito sa akin. 

Tumango ako at nang naramdaman kong wala na siya sa tabi ko ay saka ako nag-angat ng ulo at sinundan siya ng tingin pabalik sa counter. Pinunasan ko ang luha ko at uminom muna ng tubig bago lisanin ang canteen.

Nakayuko ako at wala sa sariling naglalakad sa hallway na binabaybay ang daan patungong classroom. Naalala ko pa ang sinabi niya bago maging kami.  Sabi ko, 'please be careful with my heart', at sumagot pa siya ng ‘I do’ pero bakit parang naiba na ang mga binitawan niyang salita noon bago ko ipagkatiwala ang birhen kong puso sa isang relasyon.

"Racelle!" napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan. Sa hindi kalayuan nakita ko sila Jerome, Estella at Justin na palapit sa akin. Hinintay ko silang makalapit sa akin habang inaayos ko naman ang sarili ko upang hindi nila mahalatang kakagaling ko lang sa pagdra-drama.

"Race, umayos ka nga kagabi ka pa iyak ng iyak. Huwag kang pahalata na mahina ka. Laban!" sabi ko sa aking sarili.

"Race, ba't di ka pumasok kahapon? Pagdating namin sa clasroom wala ka. Saan ka pumunta?" sunod-sunod na tanong ni Estella. Nakipagtitigan ako sandali sa kanila. Tiningnan ko ang dalawa na alam kong nakasama nila si Kitian sa kuwarto 'nong nakaraang araw. May alam kaya sila?

“Race?” agaw atensiyon sa akin ni Estella kaya sinagot ko na lamang ang kaninang tanong niya. “Sumama lang pakiramdam ko kaya hindi na ako dumiretso sa classroom. Pero okay na ako ngayon.” ngiting sagot ko kahit ang totoo ay nagsisinungaling lang ako.

"I see.” sagot ni Estella at papatalikod na sana ako nang magtanong si Jerome. “Bakit mugto ang mata mo? Litaw na litaw ang makapal mong eye bags,” puna niya.

“What happened?” dugtong na tanong ni Justin sa tabi ni Estella.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila dahil natatakot akong mabisto kapag magsisinungaling ako. “Nag movie marathon kasi ako kagabi tapos iyon nakakaiyak at ito ang naging resulta,” saka ko itinuro ang mugto kong mata.

“Litaw ang makapal na eyebags.” pagbibiro ko pa sa kanilang tumawa ako. Tumawa sila sa sinabi ko at hinampas pa ako sa balikat ni Jerome. “Hindi ka man lang naglagay ng concealer para hindi mahalata ang malaki mong eye bags.” sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagawa pa niyang laitin ang pinaghirapan kong eye bags. “Biro lang. Mag-shades ka na lang kasi. Gayahin mo si Yvonne nang pumunta sa party mo, naka-shades habang walang araw,” biro pa niya.

“Saka ikaw may dahilan dahil tirik ang araw at iyang makapal mong eye bags, matatakpan.” singit ni Estella habang tawang-tawa sa sinabi.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon