Chapter 49: Mad at me

17.9K 633 31
                                    

Estella POV

Hindi yata pumasok si Jerome at Racelle o baka naman gumala sila. Hays, hindi na lang sana ako nagpa late para sana ay kasama ko sila. Nakakainis dito sa loob ng classroom, ang iingay ng mga kaklase kong ewan. Hindi ko alam kung fourth year na ba sila o elementary pa lang, paano ba naman naglalaro pa sila ng tagu-taguan at habul-habulan na hindi na dapat nilalaro ng mga fourth year high school. Jusko, sumasakit ang ulo ko sa ingay nila.

Imbes na magbasa ako ng mga librong dala-dala ko ay nawalan na ako ng gana. Ang ingay kasi nila kaya't pumangalumbaba na lang ako rito sa 'king arm desk habang pinapanood ko na lang silang naglalaro. Ang sipag sipag kong mag-aral at pumasok kaso kalabaliktaran naman, kung anong sipag ko mag-aral, siyang tamad naman ang mga guro namin magturo. Minsan may mga guro talagang tamad, kaimbyerna!

“Bakit walang klase?” tanong ko sa kawalan, kahit alam ko namang walang sasagot sa aking tanong ngunit nagulat na lamang ako nang may magsalita.

“Dahil ikaw at ako ay magde-date.” boses pa lang niya kilala ko na. Tumataas palagi ang balahibo ko sa tuwing nasa tabi ko siya, maybe I'm not just comfortable with him.

“Nagulat ba kita?” tanong niya nang naramdaman kong tumabi na pala siya sa akin. Hindi ba niya alam na bawal pumasok rito? Agaw atensyon pa naman ang kaguwapuhan niya, medyo tumahimik at saglit na napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa upang maki-tsismis.

“Pwede bang lumabas ka muna? Baka pagkamalan pa tayong mag in relationship nito,” mahina kong sabi ngunit sinigurado kong maririnig niya.

“Bakit? Magiging tayo naman 'di ba? Huwag mong sabihing wala na talaga akong pag-asa at alam mo namang nililigawan na kita.”   sagot niya. Lumingon ako sa kaniya sabay buntong hininga ko.

“Alam ko. May sinabi ba akong walang pag-asa?” pairap kong sabi. Ngumiti ito, “Wala,” ngunit bigla siyang sumimangot.

“Paano kung pinapaasa mo lang pala ako?” malungkot niyang tanong sa akin, nag react ang mga kaklase ko. “Oww…!”

Pasensiya na Justin, wala talagang akong nararamdaman para sa 'yo, patawad kong hindi pa ako nakaka move on kay William. Hindi ako makasagot sa tanong niya, patawad kong iyon ang plano ko ang paasahin ka muna sa ngayon. “Luma-love life na si weird king!” kantyaw ng mga kaklase ko.

“Ba't hindi ka makasagot?” tanong niyang muli. Hindi ako makaimik bagkus ay tumayo na lang ako lumabas.

Naiiyak na ako dahil sa konsensyang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin. Nang makalayo ako sa classroom namin ay agad niya akong hinigit paharap. Maluha-luha akong nakipagtitigan sa kaniya, wala akong masabi.

“Handa naman akong maghintay eh, gagawin ko ang lahat para sa akin ka lang. Hindi ako susuko.” ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad nito. “Magiging akin ka,” sabi niyang muli.

Dahan-dahang lumapit ang mukha niya mula sa akin. “Ang weirdo mo talaga, hindi ko maintindihan kung naiintindihan mo ba ako o sadyang…”

“Mahal kita.” agad na humalik siya sa aking noo. “Mamahalin mo din ako balang araw, ang William ay magiging Justin.” sabay ngiti niya at saka siya bahagyang lumayo sa akin ng ilang distansya.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon