Chapter 50: Lover's Quarrel

18.7K 689 24
                                    


Arrrgh!” saka ako nagpagulong-gulong sa kama habang nakasabunot sa akong buhok. Nakakainis, wala pa akong tulog. Humigpit ang pagkakasabunot ko sa aking buhok, paraan ko upang makatulog man lang ng kalahating oras.

Sinubukan kong matulog habang nakapatong ang kanang kamay ko sa aking noo. Pilit akong natulog ngunit gising ang aking diwa, nakabusangot akong bumangon at tumayo. Hindi na ako makakatulog nito, didiretso sana ako sa banyo nang mahagip ko ang aking sariling repleksyon sa salamin.

Una gulat ako, kinikilatis na mabuti kung ako ba talaga ang nasa salamin na nakikita ko. Hinawakan ko ang aking pisngi, buhok, at ang nangingitim kong mata. Jusko! Epekto ng walang tulog, nakakatakot ang mukha ko. Para akong mangkukulam sa hitsura ko, agad akong napatakbo sa bintana upang isarado ang kurtina, nakakasilaw ang araw. Nang wala ng araw ang sumisilaw ay dumiretso ako sa palikuran. Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip.

Isinarado ko ang pintuan ng palikuran, saka pangiti-ngiti pa akong nagsasabon ng aking katawan, ngunit napapasimangot na lamang ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang text ni Kitian.

Yong tanong niyang minsan ko ng sinagot, at panigurado namang naalala niya ang sagot ko sa itinanong niya noon. Suminghap ako dahil sa nangyayari, natatakot rin ako na baka ito na ang maging dahilan, hays huwag naman sana. Ilang beses akong umiling-iling, “Think positive, Racelle.”

Dali-dali kong tinapos ang pagligo upang ipaghanda siya ng almusal, bilang pambawi at makausap na rin siya.

Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis, yellow green na t-shirt at ¾ shorts  saka ako bumaba at dumiretso sa kusina. “Ano kayang masarap na almusal para sa araw na 'to?” tanong ko.

Bumuntong hininga na lang ako nang wala palang sasagot sa aking tanong. Tumingin ako sa wall clock, ngayon ko lang napansin ang oras alas otso na pala. Mas maaga siyang nagigising sa akin ngunit himala dahil mas nauna ako sa kaniya ngayon. Nag prito na lang ako ng hotdog at itlog, saka fried rice na lang ang gagawin ko sa nalamigan na kanin.

***

Pagkatapos kong magluto ay umupo muna ako sandali at inubob ang aking mukha. Nakapikit ang aking mata, makakatulog na ako nang biglang nag-ring ang phone ko sa bulsa.

Sinagot ko ang tawag. (“Good—morning lang pala, haha. Siya nga pala, kumusta na?”) bungad ni Jerome dahil sa matinis niyang boses.

“Hyper ka na naman, ito parang hindi okay… hindi pala okay.” malungkot kong wika. (“Bakit? Hulaan ko… malungkot ka kasi ako ang pinakamaganda, haha! Tanggapin mo na kasi saka huwag ka ng malungkot, dapat magdiwang ka pa!”)

Napairap ako sa kahanginan niya, sakit sa ulong tumawag pa ang baklang 'to. “Hangin mo, nilipad ang kagandahan mo sa alikabok. Aish, hindi 'to tungkol sa kagandahan mo, tungkol ito kay Kitian,”

(“Ha? Bakit? Inano ka ni fafa? Sabihin mo sa akin, ra-rapin ko siya.”) ngumuwi ako sa sinabi niya sabay irap na naman. Hinilot ko na lang ang aking noo sa Jerome na 'to.

“Bakla naman, wala akong ganang makipagbiruan sa 'yo ngayon. I'm not in the mood right now, may hindi kami pagkakaunawaan ni Kitian ngayon.” sabay singhap ko, narinug ko rin ang kaniyang pagbuntong hininga sa kabilang linya.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon