Chapter 44: Between Us

22.2K 732 21
                                    

Racelle POV

“Ginawa ko lang naman 'yon para sumaya ka e, para…” hindi na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita muli siya. Talagang mali ang ginawa ko. “Hindi ako humihingi sa 'yo ng pabor para pasayahin mo ako, Racelle. Kahit mahal kita, wala akong balak maghanap ng iba. Makakalimutan ko ang nararamdaman ko sa sarili kong paraan, hindi yong…” napatigil siya.

Tiningnan niya ako ng blangko. Ang napakainosinte niyang mata ay nag-aalab na sa galit. Marahil hindi nga talaga niya nagustuhan ang ginawa ko. “So—” agad siyang umalis nang hihingi na sana ako ng paumanhin.

Pakialamera kasi,” panlalait nang isang babaeng nakahalukipkip sa harap ko. “Race,” tawag nila Estella subalit hindi ko sila nilingon. Humakbang din ako ng ilan upang mahabol pa si Tristan ngunit napakalayo na niya. Hindi ko na siya mahabol, at kahit mahabol ko siya ay wala rin lamang akong sasabihin kundi ang sorry ko lang.

Bakit pa ba kasi ako nanghimasok sa buhay pag-ibig niya? Napaka tanga ko talaga. Nang dahil sa sobrang panghihimasok ko sa buhay nang iba ay ito na tuloy ang nangyari.

“Sorry.” sabi ko kahit alam kong hindi na niya maririnig pa. Hinila na ako nang dalawa palayo sa labas ng classroom. Tumigil lang sila sa paghila sa akin nang tumapat kami sa mismong classroom ni Kitian. Kinunutan ko ang dalawa sabay tingin nang masama. Bakit nila ako dinala dito?

“Bakit dito? Susundan ko pa si Tristan.” sabi ko sa kanila at humakbang papalayo subalit hinila nila ako pabalik. “Hihingi ka ng sorry? Kita mo naman 'yong reaksiyon ng tao 'di ba?” sabi ni Estella.

“Oo alam ko, hindi naman 'yon sobrang galit eh. Hindi naman siya tulad ng iba na grabe kung magalit, nagtatampo lang 'yon.” sabi ko sa kanila na nagpumiglas sa paghawak nila sa akin.

“Bakla alam mo ba 'yong kasabihan na ‘masama magalit ang mga mababait’ palamigin mo muna 'yong ulo ni Tristan.” napahilamos na lang ako sa mukha ko nang mapagtanto ko ang sinabi ni Jerome.

“Kasalanan ko talaga e, napakatanga ko!” paninisi ko sa aking sarili. Kung hindi ko sana ginawa iyon ay hindi 'yon magkakaganon. Hinagod nila Estella at Jerome ang likod ko, “Masama kasi ang mangialam sa nararamdaman ng iba. Kung may mind your own business may, mind your own feelings,” sabi ni Estella.

“Anong kaguluhang nagaganap dito?” napaatras na lamang ang dalawa at tumabi sa akin nang bumungad si Mike. “Pinaguusapan niyo ba akong guwapo ako?” tanong niya na ikinairap ko.

“Wushu fafa. Kung hindi lang talaga kita bet matagal na kitang ipinalapa sa aso kong bulldog.”

“Si Tristan ang pinag-uusapan namin,” sabi ni Estella.

“What's with Tristan?” tanong nang kararating lang na Justin. Napansin ko pa ngang lumapad ang ngiti niya nang makita niya si Estella. “Para talaga siyang laging nakakainom ng tang juice.” pabulong na sabi ni Estella.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon