Chapter 43: Wanted Girlfriend

23K 803 42
                                    


Racelle POV

Kinalabit ko si Tristan sa tabi ko, tumaas ng kaunti ang dalawang kilay niya at may pilit na ngiti sa labi niya. Nahiya na ako magtanong dahil sa itsura ng mukha niya, subalit nagtanong pa rin ako. Hindi naman siya siguro mangangain kapag nagtanong ako. “Beh,” tawag ko nang hindi na siya nakalingon sa akin.

“Stop calling him beh,” dinig kong suway ni Kitian sa aking harapan. Narinig niya pala kahit may kahinaan lang ang pagtawag ko ng ‘beh’ sa kaniya. “Oh bakit Race?” tanong niya.

“Pwede bang mauna na tayo? Hindi ko na kaya ang toxic kasama si Yvonne.” sabi ko. Nilingon namin parehas ang nasa harap namin. Sobrang lapad ng ngiti ni Yvonne, naniningkit na ito. Samantalang si Kitian ay pilit na ngiti ang nakaguhit sa kaniyang labi habang may ngipin pang nakalabas.

“Bagay ba sila?” tanong ko habang kanina pa kumukulo ang dugo ko sa sobrang selos. Halos hindi na rin ako makahinga ng maayos at parang maiiyak na sa nararamdaman ko.

“Hindi. Mas bagay kasi kayo ni Kitian,” sabay kindat niya ngunit ikinasimangot ko. Bukod sa nararamdaman ko ay pati na rin ang lungkot at awa na nararamdaman ko kay Tristan. Ako talaga ang may kasalanan eh.

Naramdaman ko na lamang ang mahinang pagtapik niya sa aking pisngi. “Mukhang hindi ka na nga okay dito. Halika na,” at hinawakan niya ang kamay ko.

“Ang lamig ng kamay mo, okay ka lang ba?” nag-aalala ang tono ng boses niyang tanong sa akin. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Uhm bro's, mauna na kami ni Racelle.” pang-aagaw ng atensyon ng lahat.

“Feel free to leave, hindi mo na kailangang magpaalam pa.” pabalang na sabi ni Yvonne na parang siya ang pinagpapaalaman namin. Yumuko na lamang ako na halos mababa na sa mesa ang pagkakayuko ko.

“Bakit? Namumuti si Racelle.” pansin ni William.

“Tanga. Talagang maputi na si Racelle. Magsalamin ka na nga, lumalabo na mata mo.” asik ni Mike.

“Parang hindi siya okay,” sabi ni Justin at narinig ko pa ang pagusod ng upuan niya, senyales na tumayo siya. Naramdaman ko na lamang ang presensya niya sa tabi nang idikit niya ang palad niya sa kamay ko. “Kaya mo pa ba?” tanong niya.

Ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Kitian, kahit hindi ako mag-angat ng paningin ay alam kong nasa akin ang tingin niya. “Kaya ko pa, huwag kang mag-alala.” paninigurado ko kay Justin na nag-aalala na rin gaya ng katabi kong si Tristan.

“Pwede pa namang bukas ka na lang mag-exam kung hindi mo na kaya,” sa wakas ay narinig ko na ang boses niya. May concerned pa pala siya sa akin, akala ko kay Yvonne na lamang. Akala ko, nakalimutan na niya akong girlfriend niya.

“Hindi.” tanging sagot ko. “Kung hindi mo kaya, huwag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mong kaya mo.” dinig kong sabi niya.

“Kaya ko pa, huwag ka ng mag-alala.” sabi ko at agad na tumayo subalit sa pagtayo ko ay muntik na akong matumba. Mabuti na lang at naalalayan ako ng dalawa.

“Love sick lang yan!” kantyaw ni Mike nang napatingin ako sa kaniya. “Yan yong sakit na nagseselos at kulang sa lambing.” dugtong niya pa na pang-aasar sa amin.

Hindi mo talaga mapagkakaila na madaling mahulaan ni Mike ang mga quarrels ng isang relationship. Dahil na rin siguro sa dami ng babaeng nasaktan niya, kaya't alam na alam na niya kung anong pinagdadaanan ng magkarelasyon. Isang ngisi na lamang ang isinagot ko kay Mike.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon