Mahuhulog kang muli sa sarili mong kumunoy.

"You okay?" hindi maalis ang pagkunot sa mukha ni joel.

Tumango ako at nag-iwas na nang tingin.

Kailangan kong magmatigas muli.

hindi sa ganitong paraan masisira ang barikadang ginawa ko para sakin puso.

Magkasabay kaming sumakay ng elevator at walang nagsasalita samin kahit kaming dalawa lang ang nasa loob.

"Dala mo ba ang sasakyan mo?" tanong nito ng magtatangka akong bumaba sa lobby.

Umiling ako. "Nagcommute lang ako papunta dito." ani ko at binalik ang sarili sa paglalakad. Pero hinigit niya ako at mainit na niyakap sa likuran.

Naramdaman ko ang malapad niyang dibdib na bumabalot sakin likod at ang mukha nito'y nakapatong sakin balikat.

"Please stop thinking about him. Hindi na ako magtatanong kung ano ang meron kayo.." Alam ko nakapikit ang kanyang mga mata at nararamdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa ilang hibla ng aking buhok.

Pero bakit ganun?

Wala akong maramdaman sa ginagawa ni Joel. Oo naaasiwa ako, pero may hinahanap akong pakiramdamn na isang tao lang ang kayang gumawa sakin.

Inabot nito ang aking kamay, this time sakop na niya ang buo kong katawan.

"You are making me worried Anna." bulong pa nito sakin tenga. Bigla akong nakaramdam ng guilty para sa kanya.

May mga bagay talagang napakaunfair.

"I'm okay.." Ani ko sa kanya. Bumukas ang pinto ng elevator at hawak niya ang kamay kong nagtungo kami sa kanyang sasakyan.

"Are you sure na ihahatid mo ako, baka may appointment ka pa?" nagdadalawang isip pa ako kung sasama sa kanya.

"You are more than important Anna. may appointment can wait, and wala rin naman na kaming pag-uusapan sa loob."

Napanganga ako sa sinabi nito.

but still parang napesticide ang mga kulisap sakin tyan at nanahimik nalang sakin sistema.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan.

Pagpasok nito sa loob ay inabot nito ang aking kamay at pinisil.

"I want to see Carlo and Cristine." aniya pa nito habang pinapaandar ang sasakyan.

"Sure, magiging masaya ang mga yun kung makikita ka nila." 

Hindi na nagtanong si Joel sa kung ano ang kaugnayan namin ni Cyrus. hindi ko alam kong ano ang kanyang dahilan para hindi niya alamin, siguro katulad ko, pareho namin hindi matatanggap ang katotohanan iyon.

Nagkwento siya sa mga ginawa niya nitong mga nagdaan araw. Pumunta pala ito ng cebu para daluhan ang kasal ng kanyang lolo.

Kilala ko ang pamilya niya.

Mga mabubuti ang mga magulang at kamag-anak nang mga ito at kilalang kilala sila sa buong samar.

His grandfather sa side ng ama niya ay isang governor sa lalawigan noon, samantalang ang tatay naman niya ay isang board member. 

"Sana nakasama ko kayo ng Cebu para maipasyal ko kayo ng mga bata. Cebu is a very nice place. Gusto ko kung magkakapamilya ako ay dun kami titira."

"Ayaw mo na ba dito?" Kunot noong tanong ko. Mahal niya ang samar. Ang mga tao, ang lahat ng meron dito. Kaya nakakapagtakang iiwan niya ito para sa cebu.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now