Bonus (Xander and Priscilla)

5.3K 81 4
                                    

Nasa kalagitnaan ng pag-inom ng hard drinks sa bahay ni Xander na malapit sa beach. Bahay namin rather.

Today is my husband's birthday. Happy birthday dear.

June 14, 2017

Malalim na ang gabi at ang boses na lang ni kuya ang umaangat sa lahat. Pinag-uusapan niya ang mga masasayang alaala kasama ang first baby nila ni Ate Marie.

Tanging kami ni xander, kuya at marie ang natira sa inuman. Halatang lasing na si Kuya. At si ate marie naman ay nakikinig na panay ngiti. Hindi siya umiinom kaya okay siya masyado.

Habang nakikinig lang ako kay Kuya ay ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ng katabi ko na asawa ko, si xander. Sa ngisi niya habang nakikinig kay kuya ay bakat na dun ang pagkalasing niya.

Inakbayan niya ako at hinimas ang gilid ng ulo ko.

"Antok ka na?" Sabi niya na halos pabulong sa tenga ko.

Nag-sign ako sa kamay na 'konti'.
Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko. Kasabay nun ay ang pagpikit ko ng mga mata ko.

Narinig naming parang nag excuse na sila at sa pagdilat ko ng mga mata ko ay iniwan na pala kaming dalawa ni Xander dito.

"Baby..."

Napatitig ako kay xander.

"Baby?" Sabi ko na napakunot ng noo.

Ngumiti siya at mas hinigpitan ang pag akbay sa akin. Para na rin niya akong hineheadlock. Pero yung sa malambing na paraan.

At nung nagsalit ulit si xander ay napatawa ako at nagulat na rin.

"Let's make a baby."

After our wedding kasi.. A few months na ang lumipas pero wala pa ako nabuntis. He never asked for it so far.

And now... Sinasabi niya ngayon to. Halos mataktak na ngipin ko sa kakangiti.

Halatang lasing na siya at inaantok ang mga magaganda niyang mata.

"Lasing ka na eh." Sabi ko at nilaro laro ang daliri niya.

"Hindi" Inis niyang sagot.

Tumawa ako sa katahimikan at pinapanuod siyang nakapikit lang.

"Gusto mo na ba?" Sabi ko.

At idinilat niya ang mga mata niya at tumingin na naman sa akin. Gumuhit ang ngiti sa bibig niya.

"Hmmm." Sabi niya lang na parang 'Oo' ang sinabi. Nagulat na lang ako nung kinuha niya ang isang basong may lamang alak at agad ininom yun.

"Ilan ba gusto mong anak?" Sabi ko at bigla siyang nabilaukan.

"Yang di mabilang."

Napataas ang kilay ko.

"Dream on, xander." Sabi ko.

"Simulan na natin."

"Matulog ka na." Sabi ko at parang nainitan na ako ng ulo sa boses niyang parang sirang makina.

"No."

Nakarinig ako ng beep.
Shit, xander pressed the remote.
Biglang nag-off ang lights.
Pero may ibang mga lights na naka-on pero dim lang. Parang lampshades lang.

"Xander..." Tawag ko sa kanya.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya.

"Let's make a baby."

Naramdaman ko ang kamay niya na tumungo roon sa likod ng leeg ko at sinunggaban niya ako ng halik.

Isang matapang, mapait, malakas, at masarap na halik. Sa halik na iyon ay napahiga ako sa sofa.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now