Chapter 21: The Heart Knows What It Wants

5.8K 76 19
                                    

Nasa Namsan Tower kami ni Mentius ngayon at hindi ko man lang mapigilan ang sarili ko sa pagkamangha sa lugar na nakikita ko mula sa itaas.

Ang sarap ng simoy ng hangin.
At ang lalaking nasa tabi ko ay hawak pa ang kamay ko.
I never loved heights but with him? Everything seems so beautiful.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Picture tayo, mentius." Sabi ko. At tumakbo ako patungo roon sa may magandang  View.

Pinanuod ko siyang kinuha ang cellphone niya at nagselfie kasama ako sa likod.

"Nakakasilaw." Sabi niya nung lumapit siya sa akin. Binatukan ko siya.

"Aray! Bakit naman?" Sabi niya na parang gulat na gulat pa. I smirked at him.

"Nakakasilaw yung noo ko ganern?" Mataray kong sabi sa kanya.

Napatawa siya.

"Bakit ka tumawa? Kasi totoo?" Sabi ko pikon na ako. Hindi ko alam bakit ang bilis magbago ng mood ko. Para akong may period o ano.

"Nakakasilaw ang ganda mo." Sabi niya. Medyo di ako nakashield sa sinabi niya at umalis siya sa harap ko para pumunta sa kabilang side. Di ko alam bakit parang nilipad ang utak ko sa sinabi niya at namula rin ako.

"Tss..."

Marahan kong hinagod ang mata ko dahil sa nakaramdam ako ng antok. And since malapit na ring maghapon ay nakaramdam na talaga ako ng antok.

"Oh, inom ka." Sabi ni Mentius sa akin nung lumpit muli siya sa akin.

"Ayoko. Gusto ko na matulog." Sabi ko.

Napaawang naman ang labi ni Mentius sa sinabi ko. Bakit? Masama bang antokin sa ganitong oras?

"Para kang puyat sa galaw mo eh ang aga nga nating natulog kagabi." Sabi niya. "I'm getting bored na rin naman kaya tara na." Sabi niya.

He held my hands as we made our way to the hotel.

Kakagising ko palang ay nakita ko si Mentius na nakaharap sa salamin. Inaayos ang sarili niya.

I think he noticed na nagising na ako kaya naman nagsalita siya at lumapit sa akin.

"Wear this." Sabay bigay sa akin ng isang paper bag.

Napataas ang kilay ko.

"Susuotin ko ang paper bag na yan?"

Kunot noo siyang napatingin sa akin. Lumapit sa akin at inilagay ang palad niya sa noo ko.

"Okay ka lang? Ang weirdo mo nowadays." Sabi pa niya. "Kailan ka pa naging bobo?" Tumawa siya.

"Anong sabi mo?"

Humarap siya sa akin nung tapos na siyang ayusin ang sarili niya.

"May damit sa loob ng paper bag na yan. Suotin mo." Sabi niya at palabas na sana.

"Oh at saan ka naman pupunta?" Sabi ko.

Napatigil siya at ngumiti sa akin. "After mong magbihis, punta ka sa baba at kakain tayo ng dinner. Okay?" Sabi niya at tuloyan ng umalis.

I sighed.

Kinuha ko ang paper bag at tinignan ang damit.

Halos lalabas na ang mata ko sa dress na ipapasuot niya sa akin.

"Walangyang bakla." Sabi ko sa sarili ko.

Itinaas ko nang maayos ang damit na sinabi niyang suotin ko raw.

My Favorite Pain (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα