Chapter 42: Rooftop

4.8K 75 0
                                    

Maraming kaming napuntahan ni Kuya sa Bohol. I feel like we're doing all this to only make us better.

Kasi parehas kaming mag-move on.
Parehas kaming sawi. Oh edi kami na ang napakachurva na magkakapatid.

Pabalik na naman kami sa hotel to pack our things na. Since mamayang afternoon na ang flight namin. Nasa kotse pa lang kami at natitirhan na nang katahimikan ang sasakyan.

Walang umimik.
Pero gusto naman namin ni Kuya.

We like it quite in the morning.

Hawak-hawak ko ang calamay na nabili ko sa Jagna. Ang cutie kasi tas mabigat. Hindi naman siya nagspill kasi sealed siyang maayos kaya mas gusto kong hawak-hawakan.

Si kuya naman ay may suot-suot na iloveBohol T-shirt. Kung nasa mood lang talaga akong manukso ngayon ay kanina ko pa tutuksoin na kamukha niya ang tarsier na nasa T-shirt na suot niya. Pero never mind. Drained na energy ko.

"Nagugutom ka?" Sabi ni Kuya nung makarating na kami.

"Wala naman. Uhm. Kainin natin to?" Sabi ko sabay angat ng calamay. Ang bango kasi. Mahilig pa naman ako sa matatamis.

"Anong magandang ipair niyan?" Tanong niya.

Sabay kaming lumabas sa kotse at naglalakad na.

"Hmmmm. Sliced bread." Sabi ko.

"Mauna ka na." He said.

"Bakit?"

"Bili akong fries."

"Yey! Coke float rin!" Sigaw ko.

He just laughed. Bumalik siya sa kotse at umalis. Naiwan ako sa labas ng tinutuloyan naming hotel na hawak-hawak ang bilog na hugis na to. Okay, sira na fashion ko. Biro lang.

Pumasok na ako sa entrance at dumiretso sa Elevator. Ako lang naman mag-isa kaya mabuti na lang.

I pressed number 9. 9th floor.

I sang Paramore's Misery Business by humming. And the elevator... Opened.

*ding*

Napaangat ako sa ulo ko nang isang lalaki lang naman na nakaporma. Black lahat ang suot niya except sa white shirt na nasa ilalim nang tux niya. Parang business attire kumbaga. Nakapamulsa at nakayuko lang naman ito.

He looks familiar pero parang di ko rin naman nakilala.

Lalabas na sana ako nang sa wakas ay inangat niya ang mukha niya at nakita ko.

I just look at him.

Hindi ko alam kung anong expression ko kung nagpapakita ba ng tuwa, pagkabigla, o pagtataka ang mukha ko.

He was so serious looking at me too.

"Hi."

"H-hi." I said.

Marami akong tanong. Marami akong gustong marinig. Marami akong gustong malaman.

Pumasok siya sa elevator pero di ako napaalis sa kinatatayuan ko hanggang sa sumara na lang ito.

He smiled at me, "Kumusta ka na?"

Looking at my waist. Specifically referring sa nasaksak.

"Uhm. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas kaya okay na rin naman to." Sabi ko sabay hawak sa bewang ko.

Tinignan niya ulit ako.

"Oh. Good to know." Naglaho ang ngiti niya. Sa akin rin.

"We need to talk." Sabay naming sabi.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now