Chapter 3: Positive

11K 133 5
                                    

Nagising ako dahil sa silaw ng araw.
Napatingin ako sa taong yakap-yakap ako at napagaginhawa ng malalim.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman kinuha ko.

Jesel
Calling...

Napakunot ang noo ko pero bigla rin namang naend yung tawag. Missed call lang pala. Iniisip ko ang Jesel na kilala ko. Yung asawa ni Kuya.

Marami namang Jesel sa mundo.

Napakagat ako sa labi ko nung marealize kong di pala ako umuwi kagabi. Magdamag kaming magkasama ni Mentius.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto nang biglang humigpit ang yakap ni Mentius sa akin.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya nung bigla siyang nagsalita sa panaginip niya.

"Priscilla..."

Napatakip ako sa bibig at napaupo dahilan para magising si Mentius.

"Wow. Tindi mo ah. Pati sa panaginip, andun ako?" Sabi ko kaagad sakanya. Busy naman siya sa pagkusot sa mata niya na parang bata.

"Nanaginip ako?" Sabi niya. "Ahhh, its a bad dream." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw?

"Anong sabi mo?" Sabi ko na parang galit. Agang-aga nambubwisit na.

Ngumiti siya ng nakakaloko at hinila ako pahiga ulit sa kama. Yung kamay niya nakaakbay sa akin habang nakahiga. Tumagilid ako at itinanday ang legs ko sa legs niya.

"Gutom ako." Sabi ko sabay pout.

"Edi magluto ka."

My jaw dropped. And i slapped his mouth. Mahina lang naman.

"Paano na lang kapag mag-asawa na tayo? Pinagod mo ko kagabi tapos gaganyanin mo ko? Alam mo bang maraming namamatay sa gutom ngayon sa buong mundo? May mabibili naman tayp pero bakit ayaw-----"

Natahimik ako kasi bigla niya akong hinalikan.

"Alam ko na to.  Sawa na ako sa ganitong eksena, yung patatahimikin ang babae sa pamamagitan ng halik." He laughed.

"Gusto mo another round?" Sabi niya.

Napaawang ang labi ko.

"Di ka ba nagsawa?"

"Why would i? Sarap mo kaya." Sabi niya at tinakpan ko na talaga ang tenga ko para di na marinig ang mga nakakalokong banat niya.

"Wag mo na akong kausapin." Sabi ko ng malakas.

I tapped my ears several times para di ko marinig ang mga malalaswang pinagsasabi niya sa akin ngayon pero damn naririnig ko parin.

"Every part of you is freaking lonely without my hands on it."

I rolled my eyes.

Pero mas lalo lang siyang naging maloko kaya tumayo na ako.

"Gusto mo habulin kita?" Sabi niya at inirapan ko siya at tumungo sa CR. Naglock ako ng pinto.

Di na ako nakarinig ng kahit isang tunog. Akala ko tumigil na talaga si Mentius pero nagulat na lang ako nung biglang bumukas ang pinto ng CR kahit nilock ko naman.

Napasigaw ako nung nahuli niya akong nagaabang sa may pinto pero tumakbo ako sa kabilang corner ng CR. May isang shower room roon na malaki. Bahay namin to. Oo, bahay namin.

Bumili na siya nang sarili naming bahay. Dito niya ako dinala kagabi.

Napasigaw ulit ako nung sumonud siya sa akin. Naglalakad lang naman siya pero tumakbo ako para kunin ang tube at itinutok sa kanya ang dulo ng Shower.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now