Chapter 16: Only Reminds Me Of You

5.8K 86 2
                                    

"Fucking bitch!"

Agad na tinakpan ni Xander ang bibig ko. Nahihilo na ako dahil sa nainom ko na marami-rami.

"Inom lang tayo, walang murahan." Sabi niya sa akin.

"Ang lagkit na ng skin kooooo." Arte ko. Naakainis kasi.

"Oh ano naman magagawa ko diyan? Alangan namang dilaan ko yan." Sabi niya. Napakunot ang noo ko.

Naiinis na rin ako sa ingay sa loob ng bar. Bakit ba kasi ang ingay. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa Tenga ko.

"Baliw. Nasa bar tayo kaya maingay. Lasing ka na. Pero para ka nang bumabagay sa mental." Sabi niya.

Inirapan ko siya.

"Nahihilo na akkoooo."

"Di ko rin alam na ang arte mo pala." Sabi niya sabay inom na rin.

Maya-maya pa yumuko ako at napahagulgol sa iyak. Ipinikit ko ang mata ko at mas lalo lang akong napaiyak nung mukha ni Mentius ang nakikita ko.

Nakaramdam ako ng mga kamay sa likod ko.

"Ilabas mo na. Kanina ka pa ganyan." A warm voice made my heart raced. Okay.

Nakayuko ako sa counter table. Yung mukha ko isinobsob ko sa mga braso ko at umiyak. Nakaramdam na rin ako na dinikit ni Xander ang mukha niya sa gilid ng ulo ko.

"Makikinig ka?" Sabi ko.

"Oo."

Sinabi ko sa kanya na pinakawalan na ako ni Mentius. Napaupo ako ng maayos. At nung pagkaupo ko, hinawi ni Xander ang nakaharang na buhok sa mukha ko.

"Makikinig po ako." Sabi niya.

"Ayoko dito." Sabi ko. Maingay kasi.

Kaya naman tumayo siya para lumabas. Sumunod naman ako sa kanya palabas.

Pagkalabas namin muntik na akong madulas mabuti na lang at napalingon si Xander sa akin at nakiha ang kamay ko.

Tsk. Reckless priscilla.

Nung napaupo na kami sa tabi ng kalsada. Tinitigan niya ako.

"Sabihin mo na." Sabi niya.

Napakunot ang noo ko.

"Ano sasabihin ko?"

"Baliw." Sabi niya.

Nagkaroon ng katahimikan saglit.

"Alam mo ba?..." Sabi ko.

"Hindi ko alam..." Sagot naman ni Xander. Pilosopo? Ganun? Inirapan ko sya. Naging seryoso ulit ang mukha ko.

"Alam mo ba?" Sabi ko ulit.
"Hindi ko nga alam. Ikaw?"

I paused.

"Hindi ko rin alam eh." Sagot ko sa tanong niya. Maya-maya pa narinig kong tumawa siya. Mahina lang naman yun pero nung tumingin ako sa kanya mas lumakas lang yung tawa niya.

Inisip ko na may dumi ako sa mukha.
Pero seryoso lang akong nanunuod sa kanya.

"Baliw ka talaga." Sabi niya. Binatukan niya ako kaya naman parang naiiyak ako.

Natahimik siya nung naramdaman niyang natahimik rin ako.

"Oy, umiiyak ka? Sorry na." Sabi niya.

"Binatukan mo ko eh. " sabi ko.

"Sensitive ka pala eh no? OA na rin." Sabi niya.

Maya-maya pa nagpout siya. Pero trying hard siya ganun kaya natawa ko konti.

"Anong nakakatawa?" Sabi niya.

"Panget mo."

"Mas ka." Sabi niya.

Kaya naman tumawa na rin siya. Yung tawa niya mas nakakatawa pa kaya mas lumakas ang tawa ko.

Di naman siya naipagtalo at tumawa rin ng malakas.

"Uwi na ako." Sabi ko.

"Agad?" Sabi niya ng nakangiti.

"Namiss ko na ang kama ko." Sabi ko. Naloloka ako sa mga pinagsasabi ko ngayon. Epekto ng ininom ko.

"Baliw ka talaga. Hatid na kita."

"May dala akong kotse." Sabi ko.

"Ako na magdrive." Sabi niya. "Baliw, lasing ka na."

Umu-oo nalang ako.

Nung nasa kotse na kami, nagpapatogtog ako ng kanta ng Paramore.

"Galing ah. Gusto ko ang kanta na yan." Sabi niya habang nagmamaneho.

Napangiti na lang ako at pinalakasan pa ang togtog.

(Misery Business by Paramore)

Nakikinig lang naman kami ni Xander. Pansin ko ring tap ng tap sya sa manobela kasabay sa beat. Di ko na lang siya pinansin. At nung chorus na nang kanta... Gusto kong sumigaw kaya kumanta ako.

"Whoaaaa, i never meant to braaaaaag!" Sabay naming sigaw ni Xander.

Nagkatinginan kami pero tumawa lang siya kaya natawa na rin ako. Inalis niya ang titig niya sa akin pero nakapako parin ang mata ko sa kanya. Parang ayokong umalis sa pagkatitig.

At nung tumingin ulit siya sa akin, napaalis ako sa titig.

"We're here." Sabi niya. "Okay pang ipark to sa labas?"

Tumango lang ako at lumabas na.
Ganun din siya.

Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at binigay sa akin ang susi ko.

"Bye." Sabi niya. "It was nice knowing you." Sabi niya pa.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Maglalakad ka lang?" Sabi ko.

Tumango siya.
Nagsimula na siyang naglakad paalis at itinaas ang kamay niya ng hindi nakatingin sa akin. Itinaas niya yun na parang nagwave ng goodbye.

Napangiti na lang ako ulit.

What made me want to be with Xander is that He reminds me of the old Mentius.

Pumasok na ako sa bahay.
Isa-isa kong naalala ang mga bagay bagay na nangyari nung nakasama ko si Xander.

Hanggang sa nakatulog ako.
I used to sleep crying.

But, I'm smiling now. Til i fell asleep.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now