Chapter 50: Team Buday

4.2K 62 2
                                    

"PARAMORE! PARAMORE! PARAMORE!" The crowd shouted for like a million times and I'm like woah.

"Xander! Di ko sila makitaaaa."

Nasa unahan kasi kami tapos si Xander nangunguna ng tayo sa akin. And yes, nasa concert kami ng Paramore. Umalis kami sa L.A at dumiretso sa New York.

Isn't it freaking awesome!

Kanina pa akong kating-kati na makita sila performing. At talagang pinapawisan na ako.

Nung sinabi ko kay xander na di ko sila makita kasi masyadong masikip sa front agad akong hinawakan ni Xander sa bewang at pinapauna niya ako. Nasa likod siya sa akin. Nginitian niya ako at hinalikan ang buhok ko.

"This is your night, baliw. Happy birthday."

Mabilis ko siyang niyakap at sumigaw nung nagsimula na ang concert. At halos takasan na ako ng boses ko nang makita kong nagsilabasan na ang band members.

"Is that her?! Shit! Shit!" I shouted.

Yakap ako ni Xander at habang ako ay patalon-talon na sumasabay sa kanta. Pasayaw-sayaw pa ako nung kinanta nila ang Still into you at Hallelujah.

Birthday gift sa akin ni Xander to. Hindi ako makapaniwala at hindi ko na alam. Siguro pwede na akong mamatay. No, hindi pa pala.

At halos malaglag na panga at mata ko nung kakantahin na nila ang Misery Business.

Nagkatitigan kami ni Xander sandali at nagsalita siya.

"Kanta natin to eh. Remember?"

I smiled at ibinalik ang attention ko sa stage.

Kinanta ko sa buong puso ko ang kanta. Pati rin naman si Xander. I never thought na may makakasabay akong ganito ang hilig.

After the concert, agad kaming kumain ng burgers. Pagkatapos ay napagdesisyonang matulog.

Pagkabukas na pagkabukas ay umalis rin naman kami sa NYC. Umuwi kami sa Pilipinas.

"Dun tayo sa bahay." Biglang sabi ni Xander nung nakarating na kami sa Airport.

"Kung may masama kang balak, wag na." Sabi ko. Binatukan niya ng mahina ang ulo ko at tinulungan akong dalhin ang mga bagahe ko.

"Urur, papakilala kita sa kanila."

Napahinto ako sa paglalakad dahilan para mapalingon siya sa akin at pinanliitan ako sa mata.

"Haggard ako eh!"

Kinurot niya pisngi ko.

"Ang oa. Ganda mo kaya."

"Hindi ako nakikipagbiruan."

"Hindi rin ako nakikipagbiruan." Sabi niya kaagad.

"Alexander James naman eh!" Galit kong sabi.

Inakbayan niya ako.

"Sos, ang init ng ulo. Wala naman siguro sila sa bahay ngayon eh. They're probably at work." Sabi pa niya.

I rolled my eyes. He rolled his too.

"Paano kung andun nga sila? First impression is important, xander." Sabi ko. Para na akong nakikipagtalo. Nasa gitna pa man  kami ng airport.

"Wala nga kasi. Ang kulit, halikan kita diyan eh." Naiinis na niyang sabi at nagsimula nang maglakad.

"Hindi sagot ang halik ngayon, xander." Sabi ko.

Nakalabas na kami finally sa airport at halos matahimik na ako ng tuluyan nung napansin kong ang ganda ng weather ngayon.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now