Chapter 25: Real Quick

4.7K 68 0
                                    

"Anong oras ka ba natulog at nagmumukha ka nang panda?"
Sermon sa akin ni Kuya. A calm scold.

Di pa nga ako nakaupo eh. At kakatapos pa lang niya inumin ang Coffee niya.

I rolled my eyes at nagbalak na bumalik na lang sa kwarto ko. Nawalan ako ng gana kumain.

"Di ka man lang ba kakain?" Sabi ni Kuya nung tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad pabalik.

"Later." Matipid kong sagot.

I like it quite in the morning.

"Pete, uuwi muna ako sa bahay namin after this. I gotta take good care of my grandma eh." Rinig kong sabi ni Jesel.

Di ko nalang sila pinansin.
Kainis.
Gutom na kaya ako.
Nakakainis talaga.

Padabog akong umupo sa kama ko.
Napatingin ako sa cellphone kong basag na ang screen. Tumayo ako at kinuha yon.

Okay lang naman pala siya.
Sadyang basag na ang screen dahil sa nagawa ko kagabi.

Napadpad na naman ako sa Inbox.

From: Van Mentius Lim
Thank you for the time, Jes.

I smirked.
Lasing ba siya? Di man lang ba niya narealize na na-wrong sent siya. Talagang nawawalan na ako ng gana sayo Mentius.

Nakakasawa.

Pinapapasok mo pa ako sa puso mo eh may tao pa palang nastuck dun. Nakakahiya naman sa ex mo.

Di ko alam bakit nagsusungit na ako ngayon. Ang alam ko... Parang narealize ko na ang halaga ko.

Kung galit ako, galit ako.
Wala nang pa-oa pa.

Napatitig ulit ako sa Cellphone ko at sa message nun.

Biglang may pumasok na idea sa isipan ko na hindi ko nagustuhan.

Ano ba Priscilla, ano na naman tong binabalak mo?



Mabilis akong naligo at nagdamit ng itim lahat. Nakaround cap ako at nakamask din. Hoodie at pants.

Umalis ako sa bahay at pumunta sa garahe. Ginamit ko ang sasakyang tinted ang glass. At yung di masyado namin ginagamit ni Kuya.

Nagsimula akong magdrive at sinisiguradong walang nakakakita sa akin.

I stopped.

Nagpark ako sa lugar kung saan di kalayuan sa bahay. And there I saw Jesel started driving.

Nagsimula na rin akong magdrive.
Mabilis ko na ring minimemorize ang plate number niya.

I mantained my distance.

Yung distansya na hindi mahahalata.

I pursed my lips.

Bat ba pumasok to sa isip ko? Like as if may nagtutulak sa akin na gawin ko to. And I've always been so curious na baka nga... Siya ang ex ni Mentius.

My phone rang pero ayokong mawala sa direction. I'm paying more attention to Jesel's car.

Kinapa ko ang bag ko at nilabas roon ang cellphone ko.

Patingin-tingin ako sa bag ko at sa sasakyan ni Jesel.

Nahulog ang cellphone at mas nainis pa ako nung may nag-over take sa akin dahilan para mawala sa tingin ko ang sasakyan ni Jesel.

Pinark ko ang sasakyan ko tabi ng daan at malakas na sinuntok ang manobela.

Masakit pero... Nadala ako sa galit.

Sino ba kasing putanginang tumatawag----

I checked my phone and realize it was Mentius who's calling me.

I smirked.

"Magdusa ka." I turn off my phone.

I decided to go to Jay's Bar. Namiss ko ang lugar na iyon. Gusto ko lang libangin ang sarili ko na wala nang naiintindihan sa buhay.

Oo, maglalasing ako.

Kakapasok ko pa lang sa bar. Naninibago ako kasi wala pa masyadong tao. Since afternoon pa naman ngayon kaya siguro ganun.

Jay approached me when he noticed my presence near the counter.

"Hey, long time no see." Sabi niya. Niyakap niya ako.

"Kumusta ka?" Pangiting tanong ko sa kanya.

"Okay lang."

"Jay, do me a favor." Sabi ko.

"Ano?" Matipid niyang sabi sa akin habang nagmamasid siya sa paligid.

"Can i stay at your place?" Sabi ko ng diretso. Bakas sa mukha niya na nagugulat sa akin.

"Again?"

Binatukan ko sya kaagad. Mahina lang naman. Pinsan ko pa rin naman to kahit minsan.

"Sige na. Loko to." Sabi ko. "Eh sa hindi ko gusto ang mga naiisip ko kung nasa bahay ako eh. Ayoko rin kay..." I paused. Naalala ko ang Message.

Sige.

Mag-isip ka pa Priscilla at mababaliw ka na talaga ng tuloyan.

I look at Jay who's already looking at me. I beamed.

"Look here, priscilla. Baka naman inaabuso mo na ako nito?" Sabi niya.

Nagtagpo ang mga kilay ko at inirapan siya.

"Joke lang. Oo naman, gamitin mo. Hindi rin naman ako umuuwi sa lugar na yon."

Tinignan ko siya na parang nandidiri ako sa kanya. Bilang biro lang naman.
"Grabe to. Kailan ka pupunta ron?" Sabi niya.

I sighed.

"Ngayon na."

Napaubo naman siya bigla sa sinabi ko.

"Ngayon na?" Sabi niya. Parang nagmimistulang reklamo.

"Oh." Sabi ko at inirapan ulit siya.

Ininom ko ang sinerve ng bartender na wine. Nagsalita naman ulit si Jay pero di na ako nag-abala pang tumingin sa kanya habang may sinasabi siya sa akin.

"Sungit mo ah. Para kang buntis."

Naubo ko lahat ng ininom ko. Nabilaukan kaagad ako sa sinabi niya. Dali dali namang nagbigay ng tubig yung bartender sa akin which i think being instructed by Jay.

Ininom ko agad ang tubig at malalim na napahinga.

"Okay ka lang? Sinabi ko lang naman yun as a joke." Sabi pa niya.

"Di magandang Joke." Sabi ko.

Kung buntis man ako kay Mentius. Matatakot ako.

Ayokong maikasal o magkaroon ng pamilya sa taong di pa nakamove on sa ex niya.

Kas until now, kumbinsido ako na di parin talaga siya nakakamove on sa ex niya.

At ang mas hindi ko gustong nagugustuhan ay ang posibilidad na maaring nagkikita parin sila hanggang ngayon.

Mga ahas.

Namumuo ang galit ko.
Bakit ganito na?

Mahal ko siya ng lubos to Galit na ako sayo real quick.

Dahil to sa sinabi ni Xander eh... Masyado ko pa nga atang dinibdib.



Know your worth.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now