Chapter 15: Ears and Comfort

6K 83 0
                                    

A week later...

Hindi na nagpaparamdam si Mentius sa akin. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay pagkatapos ng lahat.

Marami akong iniisip.
Pero niisang salita walang lumabas sa bibig ko.

Pumunta ako sa kitchen, uminom ako ng tubig at napasandal na lang sa Counter at iniisip si Mentius.

Kung kailan wala na siya sa kin, saka ko pa rin naisip na gusto kong malaman kung sino ang mahal niyang ex. Pero sa kakaisip ko pa lang nun, nanghina na ako.

Maganda siguro yon.
Siguro mahilig yun sa Pranks.
Sexy.

Napangisi ako sa mga iniisip ko.

"Ano ba priscilla... Ang others mo." Sabi ko sa sarili ko. Saka ko naman nilapag ang baso ko sa lababo at pumunta naman sa Sala.

Wala naman sila kuya kasi nagbabaksyon na sila.

Naalala ko na naman ang plano ni Mentius noon. Sabi niya abroad daw kami. Nakakaloka. Pero mangyayari pa kaya yon?

O di na?

Kasabay ng pag-upo ko sa sofa, napabuntong hininga rin ako. Napatingin ako sa relo ko at napapikit ng mata.

"Magpapakamatay na ba ako?" Sabi ko. "Tsk. Loko ka priscilla, mukha ka na ngang patay eh."

Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Magtatanong ako at ako lang rin ang sasagot. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko sa bahay.
That's why i decided to go out.

Gusto ko man pumunta sa Bar ni Jay.
Gusto ko man pumunta sa Bahay namin ni Mentius.

Sa park ako dinala ng kotseng to.

Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench. Nakasuot ng Headset. Nakapako ang mata sa bawat damo.
Para na akong nababaliw. Mas nababaliw ako sa kakaisip sa kung ano ang meaning ng kantang pinapakinggan ko.

"Maeumi Apuda." Sabi ko out of the blue.

"Char? Nag-eemot ganun?" Halos mapatalon ako nung may nagsalita sa tabi ko. Sa gulat ko, di ako nakapagsalita.

"Gulat ka no?" Sabi niya pa. "Napapadalas punta mo dito. Broken hearted ka no? Naghahanap ng lugar kung saan tahimik at walang didisturbo." Sabi niya.

Ang daldal niya.

Katulad ni Mentius noon.

Siya na naman.

Priscilla, wag mo muna siya isipin okay?

"Ako rin." Sabi niya. Napakunot ang noo ko kasi di ko siya naintindihan. Anong ako rin? Napataas ang kilay ko nun.

Nagtama ang titig namin.

"Bakit ako rin? Ganito yun." Napababa ang kilay ko. Mind reader?

"Ako rin kasi Dito ako tumatambay kapag galit ako, beastmood, or nasaktan." Simula niya.

Napatingin ako sa paligid. Napangiti konti kasi maganda naman talaga tumambay sa ganitong lugar.

"Sa tingin mo... Kaya mo bang mabuhay nang nahiwalay sa kapatid mo?" Sabi niya.

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Huh? H-hindi."

"I grow up without my ate. Nahiwalay kasi ako sa kanya simula nung bata pa ako." Sabi niya. "Masakit isipin na di ko na siya muling nakita. Di ko rin kasi masyadong naalala ang mukha niya pero I swear kilala niya pa ako."

Naalala ko si Kuya.
Lahat ng pagsubok na naranasan namin. Naalala ko rin.

"Anong nangyari ba?" Sabi ko. Curious ako.

"Oy, curious siya." Sabi niya. Para bang nangungulit.

"Actually di ko na maalala lahat yonng nangyari noon. Basta nagising ako once na may amnesia and then after a few years saka ko pa lang nalaman na adopted ako at nahiwalay ako sa kapatid ko. I had a accident. Ewan ko ano." Sabi niya.

"So sa kakaisip mo na late mong nalaman ang lahat kaya ka andito palagi?" Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin.

"Wrong." Sabi niya. "Nandito ako kasi... Gusto kong manood sa mga taong kasama mga kapatid nila. Masakit pero dun na ko nasisiyahan."

I feel sorry as soon as he said that.
Ramdam ko na masakit para sa kanya. Nginitian ko siya pabalik.

"Magkikita rin kayo ulit." Sabi ko.

Ngumiti rin siya sa akin. Yung ngiti niya nakakapanghina. Para kasing nawawala mata niya kapag ngumiti. Best asset niya yung ngiti at mata niya.

"Sure ka?" Sabi niya na parang bata.

"Hindi naman natin malalaman kung ano ang pinaghahawakan ng kinabukasan eh. Hindi natin maexpect na mangyayari ang isang bagay." I paused.

Katulad nang pagbalik ng pagmamahal ni Jesel kay Kuya.
Katulad ng pakikipaghiwalay ni Mentius sa akin.

"Oh, i see." Sabi ni Xander.

"Inom tayo." Sabi ko na lang nung pakiramdam ko gusto ko makalimot saglit about sa amin ni Mentius.

"Gusto ko nga rin eh. May alam kang magandang lugar?" Sabi niya.

Napaisip ako.
Pero tumatak naman agad sa isipan ko ang Bar ni Jay kaya agad na kaming pumunta dun.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now