Chapter 7: Holding on

8.4K 94 1
                                    

Di ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang tanggapin si Mentius. Dapat nga akong magalit sa kanya dahil ginawa niya lang akong panakip butas. Pero kumakapit kasi ako sa pag-asang mamahalin niya ako ng buo sa panahon na makakalimutan na niya ang ex niya.

Magdidinner kami ngayong gabi ni Kuya kasama ang asawa niya. Her wife finally came back to him.

Unti-unti ko na ring tinanggap si Jesel.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo." Napalingon ako kay Mentius. Naliligo pa ako ngayon. Hubad akong naligo pero pumasok lang ng diretso si Mentius.

"Okay."

He handed the towel to me. Paalis na sana siya pero nagsalita ako.

"Nag-usap na ba kayo?" Sabi ko sabay off ng shower.

Hindi ko na tinukoy kung sino.
Alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

He stopped. And he managed to smile at me. I was surprise.

"Yeah."

Pakiramdam ko tuloy, good news.
Kasi ngayom, ngumingiti na siya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang bewang ko. Basang-basa ako pero di niya yun pinansin.

Hinawi niya ang buhok na nakablock sa mukha ko at nilagay iyon sa tenga ko. Di ko alam bakit pero namiss ko ang mga ganito niyang side.

"I ended things with her." Sabi niya. "But, I'm still affected. So is she."

Disappointed but I manage to smile at him.

"Look at me. I'm even holding my faith right now. I know that you'll love me. Love me completely." I said.

He nodded.

Masakit para sa sarili ko na para ko na ring tinapakan ang sarili kong worth.
Pero di ko pinapakita kay Mentius na nasasaktan ako ng sobra.

Sobra sobra.

Kasi tanga ako.

Tanga na kung tanga.

Mahal ko siya.


After shower, papunta na kami ni Mentius sa bahay. Dinala ko siya.
Family dinner kumbaga.

Ipapakilala ko na siya kina ate Jesel at Kuya. Yung pakilala na formal talaga. Not like the other meeting naming tatlo na nagmamadali.

Nagmamaneho lang naman si Mentius nang mapansin kong ibang daang ang kinuha niya.

Napalingon ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko. Okay. Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya at bigla na lang siyang gumaganto?

"Where are we going?"

He doesn't answer my question. Nung tumingin ako sa labas, napaawang ang labi ko. My jaw dropped. Omg.

He pulled up and went out of the car.
Nanigas ako sa upuan ko na kahit kaunting galaw di ko magawa, ang alam ko lang sinusundan ko si mentius sa pamamagitan ng mata ko.

My senses came back when he opened the door for me. Lumabas ako pero napako ang tingin sa paligid.

"Just to let you know, today's our day." Sabi niya kaya naman napatingin ako diretso sa mga mata niya at napangiti sa kanya.

He held my hands habang naglalakad kami papasok sa isang Tent na may lights. Malaki siya na tent. Tapos may checkered cloth na ginawang mat. Sa itaas naman nun may mini table na old wood ang style. Vintage masyado ang concept. It's beautiful.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now