Chapter 18: X O

6.2K 69 3
                                    

Masaya ako.

Masayang masaya ako.

"Ahhh!"

Napasigaw ako nung napaso ang kamay ko. Nagluluto kasi ako ngayon ng almusal. At sa kasamaang palad, sa kakaisip ko kung anong nangyari kagabi... Nawala ako sa senses ko kaya naman napaso ako.

I sighed.

In-off ko ang stove. At hinihipan ang daliri ko. Ihip lang ako ng ihip. Halos mapatalon naman ako nung may mga kamay na bumabalot sa akin.

Lumingon ako para tumingin sa kanya. Sakto naman sa paglingon ko ay nakatingin na pala siya sa akin. He kissed me.

"Did you just shout?" Tanong niya.

Ngumiti ako, "Napaso lang."

Napakunot ang noo niya. "Ibabad mo sa tubig." Instruct niya. Napaawang na lang ang labi ko.

"Ayoko. Baka maano to... Ma.."

Napakamot siya sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko. Hinipan niya rin iyon. Di ko mapigilan ang mapangiti.

Ito na nga ba ang kinakakatakutan ko eh. Ang mas lalong mahalin siya. Ayoko na ulit siyang mawala pa. Ayoko na uliy siyang sukuan ako.

"Halika nga." Sabi niya at dinala ako sa kwarto. Kinuha niya yung toothpaste at umupo kami sa kama. Nilagay niya sa area na napaso ang toothpaste.

Hinayaan ko siyang gamutin ang paso ko pero titig na titig lang ako sa kanya. Ang seryoso niya kasi.

"Hindi ba mahapdi?" Sabi niya.

"Hindi naman."

"Masakit pa ba?" Sabi niya.

Anong klaseng sakit, mentius?
Sa daliri ko o sa puso ko?

"Hindi namasyado." Sabi ko na lang.

Inilagay niya pabalik ang toothpaste kung san niya kinuha. At bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko.

He cupped my face and smiled.
I died.

"Mag-ingat ka na sa susunod. Pakakasalan pa kita."

His voice is so warm that it melted my heart. He's like talking to a child. And i love it even more.

I love him even more. I really do.

Pero di ko rin mapigilan tanungin ang sarili ko ngayon.

"Mentius..." I uttered.

"I'm sorry."

"Why?"

"I left you."

Namuo ang mga luha ko sa mga mata ko. Para kasing nakunan ng isang sugat dun.

"Alam kong masakit sayo... There's just.. May... Ano kasi... Uhmmm..." Sabi niya kaya naman pinutol ko siya.

"Sigurado ka na bang mamahalin mo na rin ako ulit?" Tanong ko ng diretso.

It takes seconds bago siya mapatango.

"Totoo?" Sabi ko.

"Oo." He said. I really don't know if he really is telling the truth or he's just saying that because he pity me.

"Kasi mentius... Alam mo yung masakit? Yung hindi ko alam kung ano ba talaga ako sayo. Do i even matter? Am i even important?" My voice broke.

Nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at nagustuhan ko yun. At ngayon, gusto kong ipaalam sa kanya kung ano ang nakasakit sa akin sa panahon na magawa niyang talikoran ako.

"What really hurts me more is knowing that you're not fighting to keep me." Sabi ko. Dun na lumabas mga luha ko.
Pinili niyanv manahimik. Instead, nakikinig siyasa bawat salita na lumabas sa bibig ko.

"And when you left? I thought heartache will lasts forever." Sabi ko. "At ngayong bumalik ka, siguraduhin mo lang na mahal mo na talaga ak----"

He kissed me all of a sudden.
He kissed my lips.

"I'm sorry."

He kissed my cheeks. Both of them.

"I'm sorry, priscilla."

He kissed the tip of my nose.

"I'm so sorry."

And he kissed my forehead.

"I'm sorry, baby."

Napayuko ako kasi naiiyak na naman ako. Pero agad niya akonv niyakap kaya naman nakasobsob lang ang mukha ko sa dibdib niya.

Hinagod-hagod niya ang likod ko.

"I'll make it up to you, i promise." Sabi niya.

"Don't be sweet. Mas lalo lang akong maiiyak eh." And i chuckled. Kahit may mga luha pa na umaagos.

Aalis sana siya sa yakap pero hinigpitan ko lang. "Yakapin mo muna ako please."

"Okay." Sabi niya.

Nagulat ako nung inihiga niya kaming dalawa pareho. "Yakap na." Sabi niya.

Napangiti ako.

I hugged him tightly. Mas masarap sa pakiramdam kasi comfortable ako sa pagkahiga niya. I closed my eyes. And hope that it wasn't a dream.

"Wag ka na umiyak." Sabi niya sabay haplos ng pisngi ko.

"Kasi masasaktan ka?" Tanong ko.

"Kasi ang pangit mo." Sabi niya. Old mentius.

I smiled and so is he.

"I already have plane tickets." Bigla niyang sabi.

Napakunot ang noo ko.

"Aalis ka?"

"Aalis tayo. Vacation abroad remember?" Sabi niya.

Di ko alam kung ano ang irereact. Pakiramdam ko kasi na unti-unti na siyang bumabawi. Di ko to kakayanin.

Oh, mentius.

"Excited na ako." Sabi ko na lang. "San tayo?"

"Just name it and we'll go." Sabi niya at iniharap ang mukha niya sa akin.

"Really?"

"Hmm..." Sabi niya habang nakapikit ang mata. "You need this babe, masyado na kitang pinagod physically and emotionally."

I tsked.

"Thank you." I paused. "Kasi tinupad mo."

He opened his eyes and smiled. Kissed my forehead.

"To more adventures with you, priscilla. Let's sleep again." Sabi niya.

Nakangiti akong napapikit sa mga mata ko.

Masaya na ako.
Sana wala ng problema pang darating.

Sana.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now