Chapter 24: Wrong Sent

5.1K 75 2
                                    

"Mahal mo naman siya diba?" Tanong niya sa akin sa kabilang linya.

I sighed.

"Oo naman." Sagot ko.

Napatakip ako sa mata ko habang hawak-hawak ko pa ang Phone ko.

"So bakit ka naman nagkakaganyan?" Sabi niya.

"Hindi ko alam."

Narinig ko na parang may narinig akong nag-aannouce sa kabilang linya.

"Ilabas mo na lang muna lahat sa akin."

Gusto ko sana na sa personal ko sasabihin to. Hindi ko alam bakit pero gusto ko lang.

"Masyado na kasi akong naguluhan eh. I swear to myself na kapag babalik siya sa akin, walang magbabago. Pero, mismo ako sa sarili ko di ko maintindihan eh. Noon ko pa minahal si Mentius. Kahit parang wala lang. Kahit andun pa sa puso niya ang ex niya." I stopped.

Naalala ko ang mga panahon na mawawala siya at babalik.
Yung panahon nagawa niya akong iwan. Yung panahong parang option lang ako para makalimot siya.

Rebound, ika nga.

Pero hindi naman ako umalis sa pagmamahalan namin. Siya lang naman talaga ang umalis. O baka naman, di lang talaga niya ako minahal?

Gosh, Priscilla. Minahal ka ni Mentius.

I doubt it.

And i feel bad for him kasi ganun ang iniisip ko ngayon no matter how hard he tried to assure me.

"Are you still there?" Sabi ni Xander sa kabilang linya.

"Oo."

Sa tingin ko naman, walang makakaintindi talaga sa akin. Kahit pa sabihin man sa akin ni xander na naranasan na nya to. Iba iba pa rin naman kami ng storya sa buhay.

"Is he treating you like an option again?"

Kasabay sa pag-iling ko, "Hindi naman. Actually, nagsimula na siyang bumawi para sa akin." Sabi ko.

"No matter how you treated like shit you'll still forgive him anyway because you love him." Sabi niya.

Di ko mapigilan ang sarili ko namapamuo ng luha sa mata.

I was wrong.

May tao pa palang nakakaintindi sa akin. At si Xander pa yon.

"Kahit na matatawag ka nang Dyosa ng mga katangahan at pagkamartyr, who cares it's love." Sabi pa niya.

Mapait akong napangiti.

"You just keep on accepting the same apologies over and over again. Right Priscilla?"

Dumaloy ang isang luha sa pingi ko. Hindi ako makasagot sa pinagsasabi niya sa akin ngayon. Para na akong nagrereflect.

"Maha ko siya eh." Sabi ko.

"Aren't you tired?"

I covered my mouth immediately.

Sa tingin ko nga, pagod na ata ako.

"Priscilla, di ka pa ba napagod? Di ka pa nasaktan ng sobra? Gusto mo pa ba?" Sabi sa akin ni Xander.

"Bakit ka ganyan... Baliw. Pinapaiyak mo ako ngayon eh." Sabi ko na parang batanh nagrereklamo.

"Eh, Bakit ka tanga?"

Napatawa ako pero yung luha ko patuloy paring umaagos. Ang oa naman nitong mata kong to.

"Tsk." I said.

"Hayaan mo lang luha mo. Di naman talaga yan galing sa mata mo eh. Malamang pagod na puso mo kay basta-basta na lang bumibigay." Sabi niya sa kabilang linya.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now