Chapter 5: Heavy Tear

8K 137 7
                                    

Pinapauwi ako ni Mentius.
Sabi niya susunduin niya daw ako.
Di ko alam bakit bigla na lang siyang naging formal. It's not that i don't like it, it's just that he used to be a bad boy playboy kind of a man.

Nagbihis lang ako ng masusuot. At dahil sabi sa akin ni Mentius na hindi na daw ako magdress. Dapat lang daw akong nakapants.

And im starting to feel like he's being a husband na. Napatawa ako sa mga iniisip ko.

Naninibago lang ako sa mga actions niya. Mababaliw na pang ako sa kakaisip kung saan siya nagpunta nung mga araw na nawala siya at ganun na siya ngayon umakto.

Nagsuot lang ako ng denim pants at polo shirt. Nung na receive ko na ang text message ni Mentius. Naalala kong di pa pala ako nakapagsuklay ng buhok.

After a several minutes, lumabas na ako sa kwarto ko pero nagulat ako nung nasa sala na pala si Mentius kasama si Kuya.

Lumapit ako sa kanila at ngumiti. Halata namang seryoso ngayon si Mentius. Pati rin si Kuya. Seryoso ang mukha.

"Kanina ka pa?" At pinilit ko siyang tumayo na para lumabas.

"Di mo man lang ba siya ipapakilala sa akin, priscilla?" Sabat ni kuya kaya napataas ang kilay ko kay Mentius.

Napaupo ako sa tabi ni Mentius at ngumiti kay kuya.

"Kuya, boyfriend ko." Sabi ko at nilingon ko si Mentius. Bakas sa mukha ni Mentius na para bang pinapawisan na siya.

"Van Mentius Lim." Sabi ni Mentius sabay inat ng kamay niya kay kuya. Tinitigan naman yun ni Kuya at sinipatan ko siya.

"Pete." Matipid niyang sabi kay Mentius saka niya inabot ang kamay ni Mentius.

"Matagal na pala kayo, di ka man lang nagsabi sa akin?" Sabi ni Kuya.

Napatawa ako at napatigil lang rin nung nakita kong hanggang ngayon seryoso parin ang mukha ni Mentius.

Naninibago na talaga ako sa pinapakita niyang akto sa akin.

"My wife's not here. Kaya naman, kami lang ni Priscilla ang tao dito. Feel at home."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Napatingin siya saakin at pinapahiwatig ko sa titig ko kung anong problema.

"Kuya, may lakad pa kasi sana kami ni Mentius eh." Sabi ko nung kahit sa titig man lang, di makasagot si Mentius.

"Ohh."

Napatayo naman si Kuya. Kaya sumunod na lang rin kami sa pagtayo.
"Date? Hey man, break my sister's heart and I'll break your face."

Napatawa ako sa sinabi ni kuya.
I watched mentius react. Pero, plastic lang ang binigay niyang ngiti ni Kuya.

Umalis kami sa bahay at nagsimula nang magmaneho si Mentius.

Napansin kong papunta lang rin naman kami ni Mentius sa bahay namin.

"Mentius?" Sabi ko nung tinigil na niya ang sasakyan sa garage ng bahau naming dalawa pero di niya ako pinakinggan. Lumabas lang siya kaagad kaya parang nainis ako sa asal niya.

Sumunod akong lumabas pero diretso lang s Mentius sa pagpasok sa loob.

"Mentius, what the hell is going on with you?" Sabi ko kaagad nung nasarado ko na ang pinto pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay namin.

"Priscilla..." Simula niya.

Nakatalikod parin siya sa akin.
Ang bigat tignan ng likod niya.
He looks awful.

"May problema ka ba mentius? Makikinig naman ako eh." Sabi ko. "I'll listen. Tell me what the hell is going on."

Ilang minuto na ang lumipas pero di parin siya nagsalita. Nakatayo parin ako sa likod niya. Hinihintay ko siyang magsalita.

Pero nung nagsalita na siya, nabato ako sa kinatatayuan ko. A harsh atmosphere suddenly showed. I felt something breaking. And, it was my heart.


"I'm..." He paused.

"You're what?" I said.



"I'm still inlove with my ex-girlfriend."

A few seconds after he said that. I shed a heavy tear.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now