Chapter 4: Presence

8.4K 112 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero di ko naman macontact si Mentius. Seryoso nga talaga siya na mawawala for days. Pero di naman ako nainform na hindi ko man lang siya matawagan o matext. Di nga magreply. Di rin naman mag-ring ang cellphone niya. Maybe, he's just busy at work.

I sighed.

Di ako sa bahay natulog. Andito ako ngayon sa bahay namin ni Mentius.
It's a two-story house. Actually, its my type. Simple lang ang design sa labas. The gate itself is extremely magnificent.

May part sa bahay na underground room. Doon, ang Mini Gym. Tapos sa kabilang side ng mini gym, may study room kasama na rin ang mini library.

White walls puro at nakakamangha ang Chandelier sa living room. May part rin sa wall na may lines na color maroon. Alam talaga ni Mentius ang type of color na gusto ko. Ayoko kasi ng light.

I like it dark.

Habang paikot-ikot ako sa bahay namin ni Mentius. Naisipan kong bumili ng furnitures and stuffs.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya na bibili ako ng mga gamit. Still, no reply. Binalewala ko na lang at nagtungo sa Mall.

-

Buong araw akong bumili ng mga kagamitan. At fortunately, puro mga fit sa standards namin ni mentius ang mga nabili ko. Parehas lang naman kami ni Mentius ng gusto eh. Simple yet elegant.

Gabi na pero inaayos ko pa ang mga paintings sa walls. Vases, stones, chains, joke lang. Walang chains.

Inaayos ko na rin ang mga eating utensils at mga kagamitan na pangluto.

Nagsilabasan naman lahat ng Pawis ko sa pagtulak at pag-buhat ng mga sofa at tables.

Parang pang instagram masyado ang concept. Nilabas ko cellphone ko at nagsimulang magkuha ng mga picture. Pang clean feed.

Tapos non, napadpad ako sa master's bedroom. Room namin ni Mentius.

Nakaramdam ako ng pagkakamiss sa presence niya. Ang tahimik kasi. Napaginhawa ako ng malalim nung inayos ko ang T-shirt niya na naiwan sa kama.

Wala pa akong gamit dito. Maybe, soon mamove ko na rin.

Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa sala. Don ako humiga sa sofa. Nilabas ko ang cellphone ko at pumunta sa messages pero wala pa rin namang message si Mentius sa akin.

Maya-maya pa nakaramdam ako ng pagod at parang nagsimula ng bumigat ang eyelids ko.

Pinilit kong manatiling gising para magtext kay Mentius.

I type a text for him.

To: Van Mentius Lim
I miss you. Come home.

And everything went black.



Nagising ako nung nakaramdam ako ng mga halik sa mukha ko.

"I'm sorry." Agad na sabi sa akin ni Mentius nung nagising ako.

Napakunot ang noo ko.
Nanibago ako sa mukha ni Mentius. He look... Broke.

Napaupo ako sa sofa. Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Where we're you these past few days? You didn't answer my Calls and messages."

Matapos kong sabihin ang mga tanong na iyon napako ang tingin ko sa malungkot na mata niya.

"I'm sorry." Sabi niya.

Kanina pa siya sorry ng sorry.

Hinawakan ko yung kamay niya at tinignan siya sa mga mata niya.

"Are you okay? You look tired." Sabi ko sa kanya at nilagay ko ang palad ko sa noo niya. Okay lang naman siya.

Di siya sumagot sa tanong ko.

Instead, "I'm sorry." Sabi na naman niya kaya binawi ko ang kamay ko at inangat ko ang mukha niya para matignan ako sa mata.

"Hey baby, look at me. May problema ba? You want us to talk about it?" Di siya umimik kaya nagsalita ulit ako. "Or not?"

I saw his eyes almost tearing up pero bigla niya akong niyakap. A long tight hug.

"Mentius?"

"Hmm?" Sabi niya. I sighed.

"You're acting strange." Sabi ko at mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. Di ko alam kung ano ang gumulo sa kanya ngayon pero niyakap ko na lang rin siya pabalik.

"Priscilla... There's something I'd like to tell you." Malungkot niyang sabi.

"Okay, what is it?" Sabi niya.

"Tomorrow. I'll tell you tomorrow." Sabi niya.

I nodded.

"Can i kiss you?" Sabi niya kaya napaalis ako sa yakap namin. Sinipatan ko siya.

"What's up with you?" Sabi ko. Naninibago lang ako sa mga pinagsasabi niya sa akin ngayon.

Di na niya ako sinagot.
He just kissed me.

Even his kiss felt different.
I don't know why but he's acting different tonight. Really.

My Favorite Pain (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora