Chapter 28: The Baby

5.8K 77 1
                                    

"Tulala ka dyan?"

Napatingin ako kay Jay na kumakain ngayon kasama ako.

Di parin ako umalis sa bahay niya eh.
Ayokong umuwi.

"Wala." Sagot ko.

Magkaibigan sila ni Xander noon?
Bakit hindi na ngayon?
Kilala kaya ni Xander si Jesel?
I've never mentioned Jesel's name to xander.

"Hoy. Ano ba yang iniisip mo at tulala ka na naman?" Simangot na tanong sa akin ni Jay.

Napatitig ako sa kanya.

*flashback starts*

*ding dong*

Napalingon ako sa may pintuan.
Inayos ko ang suot ko at binuksan yun.

Nagulat ako sa nakita ko. Siya rin naman.

I cleared my throat.

"What are you doing here?"

Di siya nakasagot. Instead, nagmamadali siyang umalis. Napakunot naman ang noo ko sa akto niya bigla.

*end of flashback*

"Kilala mo si Jesel Valles?" Diretso kong tanong dahilan para mapaubo siya.

Sinamaan ko siya ng tingin.
Nginitian niya ako.

"Pinuntahan niya ang lugar nato? Grabe. Di talaga siya naniwala sa kin." Sabi niya.

"What?" Inis kong sabi sa kanya.

Pinunasan niya yung bibig niyaat umayos ng upo.

"She was looking for pete."

Bakit?
Hindi ba sila magkasama ni Kuya?
May problema ba?

"Bakit daw?"

"Uhmm. I think, they're not in good terms."

Napakunot na naman ang noo ko.

"Na naman?"

Itinaas baba ni Jay ang balikat niya. Nagpapahiwatig na wala siyang alam.

Di ko maiwasang mapaisip kay mentius. Napatigil ako sa inisip ko. Or sa conclusion na nabuo sa isip ko.

Or maybe they're meeting each other again since wala na kami?

I smirked.

At nawawala si Kuya?
Alam na kaya niya ang totoo?

Ano ba talaga?
Ang gulo.



Di na ako kumain. Agad kong nilock ang sarili ko sa kwarto. At nagsimula na namang mag-isip.

Napahiga ako sa kama at nagbuntong hininga.

Nabalik ako sa mga panahong kami pa ni Mentius. Di ko maiwasang masaktan sa mga alaalang sabay naming ginawa.

Mahirap at masakit para sa akin na simulan siyang kalimutan.



Namuo naman sa kabilang isipan ko ang galit para kay Jesel. Talagang ang ahas niya no?

My Favorite Pain (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя