Chapter 31: Face To Face

5.2K 75 0
                                    

"Kuya..."

Pang-ilang beses ko na siyang tinatawag. At di na rin mabilang ang katok na ginawa ko sa pintong ito.

"Kuya..." Sabi ko.

Nakalock ang kwarto at natakot ako nung sinabi sa akin ni Manang na hindi talaga siya pinagbuksan ni Kuya ng pinto.

Ibig sabihin ilang araw nang hindi siya kumakain.

Sa kakaisip ko rin kung paano niya kamahal si Jesel. Baka nasaktan talaga siya nang sobra at may ginawa nang masama sa sarili niya.

Sana wala.

Hindi ko na makakayanan.

Grabe na.

Sobra na.

"May susi naman sa pintong iyan, iha eh. Bakit di mo gamitin?"

I've always wanted to respect kuya. Pero, nag-alala na kami.

"Kunin mo niyo po yung susi, manang." Pag-utos ko sa kanya nang nakayuko lang sa harap ng Pintuang ito.

Umalis si manang dahilan para mapalingon ako para makita kung umalis na ba talaga siya.

Nung binalik ko ang mata ko sa pinto nagulat ako kasi nakabukas na pala iyon.

Napaangat ako sa ulo ko at nasaksihan ko ang pagkapayat at ang pagkasawi ni Kuya.

He's holding a bottle of beer. Kailan pa siya umiinom?

My eyes scanned his room and there were lots of broken furnitures and glasses.

Binalik ko ang tingin ko kay Kuya. Our eyes met and my heart melted. Ngayon ko pa nakita si Kuya na naging ganito.

"K-kuya.."

Mapait siyang napangiti sa akin.

Ang lalim ng mata niya. Halata rin ang pagkaitim ng ilalim ng mata niya. Ang gulo-gulo ng buhok niya at nangangamoy alak pa siya. Nakaamoy rin ako ng smoke.

Wait, what? He's smoking? No way.

Umabante siya papalapit sa akin pero halos malaglag panga ko nung napatumba siya papunta sa akin. Mabilis ko siyang sinalo at sakto naman at dumating si Manang at tumawag ng ambulansya.


"He's fine. Nothing serious happens. It's just that nasobrahan siya sa Stress for several days straight. And Wala siyang kain. But fortunely, walang masamang balita. He just need to take some rest. Excuse me." Sabi ng Doctor sa akin.

Napaupo ako ulit at malalim na guminhawa. Akala ko naman nasa panganib si Kuya. Kasi naman, wala talagang siyang kain-kain tapos wala ring tulog.

Nakakasama pa naman yun.

Pero ako nga mismo. Ganun. Thanks to xander who called me and realized that I need to live.


Nasa isang room si Kuya. I transfered him to a private room para naman comfortable siya sa pagpapahinga niya.

Tulog mantika naman talaga siya.
Mabuti naman.

Lumabas ako sa kwarto niya at nanlaki ang mata ko sa taong nakatayo roon. Na para bang kanina pa siyang may hinihintay.

Pero bago pa man siya makapagsalita. Face to face kami ngayon.

Sinampal ko siya.

She gasped. Hinawakan niya rin yung banda ng kanyang pisngi na sinampal ko at sinamaan ako ng tingin.

"Ang kapal ng mukha mong pumunya dito." Padiin kong sabi.

Naalala ko si Mentius sa kanya.
At di ko mapigilang magalit. Bahala na kung bastos na ako. Pero mas bastos pa siya kay Kuya. Somosobra na siya.

"Priscilla..." Mahinahon niyang tawag sa pangalan ko. Umiba ang tono ng kanyang boses at di ko mapigilang mapangisi.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niyang lumalaki na.

I felt that My heart was about to rip out. I smirked again and look straight into her eyes.

"Look, jesel. Kung married na. Commited na. Pinakasalan mo si Kuya kaya panindigan mo. And that baby?" I paused. Nagulat siya sa inasta ko.
"Sa tingin mo wala akong alam? Mas makapal ka pa sa libro. Nakakadiri pa." Patuloy ko.

She was about to cry when I speak again.  Umalis ako sa harap niya pero tumigil rin nung nasa likod na niya ako.

"Subukan mo lang pumasok, I'm warning you. Kuya is not in the mood to see you..." Pagbabanta ko sa kanya. I heard her sobbed.

"Especially, the baby." Patuloy kong sabi sa kanya.

Patuloy lang ako sa paglalakad pero rinig ko ang iyak niya. Hindi na ako lumingon pa sa kanya.

Kuya doesn't even deserve all those stupid things. Nor Jesel.

I was in the middle of walking down the streets when I saw a bunch of fruits sa may tabi. Gusto ko sanang bumili sa market talaga. Pero, nakakatamad na maglakad. So, i decided to buy some na malapit lang.

Hawak-hawak ko ngayon ang cellophane na may lamang mga prutas. Pagdating ko sa labas ng room ni Kuya. Wala na roon si Jesel. I thought she went inside pero umalis na pala siya. Di ko na lang rin sinabihan si Kuya na pumunta si Jesel. I don't want to break his heart. It's already broken.

Bago ako lumapit kay kuya ay hinugasan ko muna ang dala konh prutas bago ko nilagay sa side table.

Napatigil ako nung may isang papel sa table rin. Wala naman ito kanina. So maybe, someone left this here.

Agad pumasok sa isip ko si Jesel.

Tinignan ko ang paper at di ko mapigilan ang sarili ko na mapangisi.

Annulment?

I bit my lower lip. Trying not to burst in anger.

Binalik ko ang papel kung san ito nakalagay. It will just break my brother's heart even more. Pero mas gugustuhin ko pang magkakahiwalay na sila para matapos na lahat to.

Tinignan ko si Kuya.

And he was there... Sleeping peacefully.

He is tired. I know.

Pakiramdam ko tuloy na kailangan ko nang magtrabaho. Para naman lesser na ang stress ni Kuya. Sa simula pa lang, alam ko namang pagod na siya. Pagog na pagod sa buhay dahil nawalan kami ng magulang sa murang edad, nagkaroon ng asawa na di siya gaano mahal, at ngayon malaman niyang hindi sa kanya ang batang dinadala ng asawa niya.

I sighed.

Nakatulala lang ako at nakatayo sa gilid ng bed niya kung saan siya nakahiga. Di ko mapigilang maguilty rin.

I sighed again and again.

Ako rin eh. Pagod na din.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now