Chapter 23: Need You

4.7K 67 0
                                    

Masyado lang siguro akong naging OA. Kahapon lang feel na feel ko na gusto ko nang umuwi sa pinas. Pero sa ngayong nasa plane na kami, pakiramdam ko tuloy gusto ko pang manatili sa Korea.

But it was too late.

Kagabi naman. Iniiwasan ako ni Mentius. Masyado ata siyang nagtampo sa akin. Hindi ko naman siya masisisi since bigla na lang akong naging ganun.

Nagdududa narin ako sa sarili ko ngayon eh.

Alam kong may something.

"You hungry?" Sabi sa akin ni Mentius. Hinahatid niya ako ngayon pauwi sa bahay. He decided to go home na rin lang.

"No."

"But..."

Wala akong kinain kanina sa plane. I mean, nag-snacks ako pero di yun sapat bilang meal na. Sa ganitong oras, dapat nagugutom na ako.

"Sa bahay ako kakain. Don't worry about me." Sabi ko. Ending the conversation fast.

He sighed, "Okay."

Right when i was about to open the door of his car, he suddenly grabbed me.

"Are we good?" Sabi niya.

Seryoso na seryoso siya sa pagtatanong niya sa akin nun. Like as if may nakita akong part sa kanya na gusto niya pa ako makausap.

Tinignan ko lang siya.

"We're good. Thanks for asking." Sabi ko at kusa nang lumabas sa kotse niya. Dala ko na rin ang bags ko.

"Wait." Rinig kong sabi niya. Matapos nun ay lumabas siya sa kotse niya at lumapit sa akin.

"Bakit?"

Bigla niya akong hinalikan sa labi.

Napatingin naman ako sa paligid nung umalis na siya sa halik.

He cupped my face. "I feel like there's something missing eh. Take good care of yourself huh." Sabi niya.

At pumasok na siya dun sa kotse niya at umalis.

Napaisip ako at narealize ko na marami pa akong iorganize sa isipan ko. I need to figure out na rin of what is actually going on with me.

Pumasok na ako sa bahay. At tinulungan naman ako ni Manang sa bags ko.

"Manang..."

"Maam? "

"Sina kuya?" Sabi ko.

"Nasa kwarto po nila." Sabi ni manang sa akin. Napabuntong-hininga ako.

Nilibot ko ang tingin ko sa bahay. White walls. Actually, this house was never that colorful. Yung mga kulay kasi puro na lang Black, Brown, White, Gray. Anything na hindi Bright.

I was actually waiting for someone who will bring colors to this house.
Nobodu came.

Jesel can't.
Mentius can't too.

Hindi rin naman sila yung type na palatawa. They're humorous pero too formal naman.

Papunta na ako ngayon sa kwarto and right when I'm about to open my door. Biglang niluwa si Jesel sa kwarto nila ni Kuya.

"Oh? Ang aga mo ata nabalik?" Sabi sa akin ni Jesel.

Mapait akong napangiti.

"Uhmmm..." Wow. Bat di ko alam kung ano ang isasagot.

"So, how was it? Kumusta vacation niyo ni Van?" Sabi niya sa akin.

Naglaho ang ngiti ko sa narinig ko.
Damn, Priscilla. Ano ba yang iniisip mo?

Impossible naman na siya ang Jesel ni Mentius diba? Ridiculous.

But, why is he calling him 'van'?

My heart skipped a beat.
Bakit Van?

"Uhmmm...  Okay naman." Sabi ko na lang.

Napayuko at sinikapan kong hindi magpapakita ng ugali na parang may nalalaman akong hindi maganda.

Ano ba Priscilla!

There's no way that she's the ex of Mentius. Damn. Damn. Buntis siya kay Kuya. Kasal na sila. Magdududa ka pa ba?

Napaisip ako kay Mentius. I'm still doubting him. Hindi rin naman kasi ako sure kung mahal na ba talaga niya ako. Knowing that ayaw niya pa ngang pag-usapan namin ang ex niya. Di pa ba ako magdududa?

Para na akong mababaliw sa kakaisip nang marinig ko ang boses ni Kuya mula sa likod ni Jesel.

"Napagod ka ba sa biyahe? Pahinga ka muna." Sabi niya. Pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ni Jesel. Hinawakan niya naman yun.

"Thanks." Sabi ko kay kuya. Tumango na lang ako kay Jesel at ngumiti naman siya konti sa akin.

Pumasok na ako sa kwarto ko.
I was trying to settle my things pero masyado namang distracted ang utak ko kaya I decided na magpahinga na lang talaga kasi sabi naman ni Kuya.

I sighed again.

"Paano kung..." Sabi ko sa sarili ko.

At sunod sunod na lumabas sa utak ko lahat lahat na lang na tanong na gustong mabigyan ng kasagutan na kailanman ni di ko pa mabigyan.

Paano kung si Jesel nga ang ex ni Mentius?
Paano kung malaman ni Kuya?
Paano kung nagkikita pa pala sila?
Paano kung...
Paamo kung...

Shit.

Paano kung hindi kay kuya ang dinadala niyang anak niya? I mean, it's impossible rin naman kasi.

Pero bakit  ba pumasok sa isip ko iyon?

My heart broke.

Ginulo ko ang buhok ko at ang tanging option na lang na gusto kong gawin ay ang makahanap ng kausap.

"Call me if you need someone to talk to. It may be none of my business but... I've been there." Sabi niya sa akin.

Nilabas ko ang Cellphone ko.
Nilabas ko rin ang papel na binigay niya sa akin kagabi.

I dialed his number and smiled mindlessly when i saw his hand-written words again on the paper that he gave me.

"Hello?"

Kinakabahan ako bigla.
Pero sa tingin ko naman naintindihan niya ako. At masyado na akong stressed at depressed sa nangyayari ngayon.

Kapag kausap ko rin naman siya... Somehow, gumagaan loob ko.

"Xander..."

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now