Chapter 39: Fingers

5.6K 86 1
                                    

Narealize ko na... Hindi sa lahat ng pagkakataon mapepredict mo ang mangyayari.

One day, magugulat ka na lang at nangyari iyon, iyan, at ito. Pero sa kabila ng lahat, alam ko na mayroong rason na posibleng dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay.

Pero ngayon?

I cannot believe what just happen. I can't believe someone's already gone. I cannot concentrate at all. I'm so bothered.

I really am.

2 days have passed.
Hindi nagpakita si Xander sa akin. Hindi ko alam bakit napasok siya sa sitwasyong ito. Ang alam ko lang naman ay nasa isang hotel restaurant siya na naghihintay sa akin.

Di kaya... Sa isang hotel lang pala kami andun? Ibig sabihin. Nangyayari ang lahat ng iyon sa hotel na pinagmamay-ari ng pamilya ni Xander?

Where is xander? I assume na nakulong siya. Hindi ko gustong isipin pero nakapatay siya. Siya ang bumaril kay jesel.

Hindi ko na alam.

Napabuntong-hininga ako at tinignan si Kuya ngayon na mahimbing na natutulog. After mentius and I talked after I woke up, bigla na lang siyang nawala. Di na siya bumalik. Ever.

Marami akong walang alam na nangyayari pagkatapos ng lahat. Ang konting naintindihan ko lang ay mas lalong nagalit si Mentius kay Xander.
I fainted already kaya wala akong alam. Walang wala.

Hindi parin siya nagising si kuya eh.
Napahawak ako sa kiliran ko kung saan may benda. Sinaksak ako ni Jesel. Tapos binaril siya ni Xander.

Bakit?
Bakit andun si Xander?
Bakit niya ginawa kay Jesel iyon?
Gusto ko siyang makausap.
Pero di ko alam paano.

Napaupo ako sa upuang malapit sa kama ni Kuya ngayon sa Hospital. Natamaan kasi siya sa kanang bahagi ng tiyan niya. Maraming lumabas na dugo kaya nanghina siya.

Bakit ganito na ang nangyayari ngayon? Wala man lang bang event sa buhay namin kung kailan walang problema at walang nasasaktan?
Mangyayari pa ba yon? Masakit isipin na parang nawawalan na ako ng pag-asa.

I sighed.

Hinilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko ngayon. At wala akong maisip kundi ang masasakit na pangyayari.

I lost my baby.
Jesel Died.
Nagalit ako sa kanya pero hindi ko nagustuhan ang katapusan ng buhay niya. Naawa ako.

Naawa rin ako sa aming dalawa.
Parehas lang naman kaming nagmahal.

Napatingin ako sa pinto nung bigla itong bumukas.

Napatayo ako at mapait na nginitian siya.

"Marie..."

She smiled back.

"I heard what happened." She said as she walk towards us. "And I'm sorry."

I nodded.
Umupo siya sa kabila at tumingin kay Kuya. Alam kong may concern siya kay kuya. Kasi kung wala naman, bakit siya nandito?

Nagkatinginan kami.

"Xander and I canceled our wedding. Arrange lang naman siya. Pero pinaglaban namin ang sarili namin."

Katahimikan.

"I know, xander told me."

"He told you na?" Gulat niyang sabi. Nabigl na lang rin ako kasi ganun siya makareact.

"Oo." Sabi ko.

She smiled, "Good to know, xander likes you very much."

I smiled at napayuko pero... Wait, what?

H-he likes me?

"Huh?" Tanong ko.

"Akala ko ba alam mo na?" Sabi niya. Napakagat siya sa labi niya na para bang top secret ang nailabas niya sa bibig niya.

"Impossible. Hindi naman ako yon. He even told me that he met this girl----"

Napatigil na lang ako nung maalala ko yung panahon na una kaming nagkikita ni Xander sa Bar.

Ako pala?
Ako pala yong pinapahiwatig niya.
Ahhh.

"It was you." She stated.

At hindi ko na alam kung ano na ang sasabihin ko sa kanya. Wala na akong masasabi pa. Nalulunod na ako sa mga iniisip ko simula pa nun.

Sumingit sa isip ko ang kuriosidad kung asaan si xander ngayon.
Half of me is worried and the other one is concern.

"Si xander... Where is he?" I asked.

"Nakulong siya for one day pero nakalaya rin."

"Ahhh." Paano?

"Money." She said.

Parang nabasa niya ang iniisip ko at kusa na lang siyang sumasagot. Mabuti naman.

"He's being punished now. Grounded for 6 months."

Napakunot ang noo ko.
She smiled and speak again.

What? 6 months? Ang tagal naman nun.

"Ang strict kasi ng Locke Family, that's why."

Siguro hindi alam ni Marie na adopted lang si Xander? Ganun ba?

"Ahhh." I said again.

Binaling ni Marie ang tingin niya mula sa akin papunta kay kuya. Bumuntong-hininga kami pareho at parehas na napayuko.

"Condolence kay Jesel." She uttered.

Hindi ako napatingin sa kanya.

"Mahal na mahal ng kuya mo si Jesel. Paano kung malaman niyang wala na----"

"Divorced na sila, marie."

Alam kong napahinto siya pero di ko parin iniangat ang ulo ko para tumingin sa kanya.

"Ahhh. Ganun ba? What happen?" Sabi niya na para bang may halong pagtataka at pag-aalala. How can she be so good? She's a great person by just one glance and you can tell.

"May... M-may nangyari lang na hindi maganda."

Mas better na kung si Kuya na lang ang makapagsabi sa iba kung may nagtatanong tungkol sa kanila ni Jesel. Since it's not my story to tell. Di ko makayang sabihan ang iba.

And knowing marie... Alam kong marunong lang siyang umintindi at dumistansya. Lalong lalo na sa sitwasyon ngayon.

"I hope he's gonna be okay." Sabi ko. Inangat ko ang ulo ko at pinapanuod siyang nakatingin kay Kuya.

How i wish sila na lang.
Sila na lang sana.
Hindi sana nahirapan si Kuya.
Hindi sana siya nasaktan.
Hindi sana siya muntik na mamatay.
Hindi niya sana naranasan ang lahat ng ito.

"He will." Sabi niya kaya parang naassure ako nun. At least someone comforted me today.

Xander would've been the one who'll comfort me in times like this. But he's not here. And I'm glad that Marie is.

"Marie."

She look at me. Looking so decent and lovely as ever.

"Hmm?"

Alam kong mali kung tatanungin ko siya ng ganto. Kaso... Pinapatay lang talaga ako sa curiosidad ko eh.

I took a deep breath.

"Hindi mo na ba mahal si Kuya?"

She froze.

"Why are you asking all of a sudden, Priscilla?"

"I... I just want to know. I want to know if you had a change of heart or you still love him...til now."

She smiled.
And a slight chance showed.

"Hindi naman ako tumigil."

Unti-unting namumuo ang ngiti sa labi ko.

And the next we knew...













Kuya's fingers moved.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now