Chapter 22: Company

4.9K 73 3
                                    

Naglakad kami ngayon ni Mentius pabalik sa Room namin.

Nainis man siya kanina.
Maybe nakainom siya ng kaunti.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa room. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.

"What?" Tanong ko.

Napatigil ako at siya naman sa di kalayuan ay nakatingin lang naman sa akin.

"You look nice. But, you'll look even better in my bed."




Tinignan ko lang rin siya.

What am i supposed to react?
Naglaho ang smirk niya nung inirapan ko lang siya papuntang Cr.

Hindi ko alam kung bakit mabilis akong mainis. Mabilis magbago isip ko. Basta-basta nalang rin ako magdedesisyon ng isang bagay.

Ang alam ko... Galit na naman si Mentius sa akin.

Why can't he just deal with my mood right now? I'm totally tired. Emotionally and Physically.

Nagbihis ako at lumabas sa Cr. Andun si Mentius na nakasimangot.

"Vacation pa ba to? Ang boring na nga eh." Sabi niya. More on, reklamo na.

Believe me, di ako makapaniwala na ganito na ang ugali niya. O baka naman, di ko lang talaga nakita ang ganitong side niya.

I sighed with the thought I'm having.

At di ko nagustuhan.

Napabuntong-hininga na naman ulit ako at inayos na lang ang mga gamit ko sa bagahe. We decided to go home na lang. Gusto ko na rin kasi umuwi.

"Ano ba kasing problema?" Napalingon ako kay Mentius. Andun siya nakatayo.

Tinignan ko siya bago sumagot.

"Wala." Sabi ko sabay balik ng Attention ko sa mga gamit.

"What about my plans. I have something impor----"

"Mentius, tama na. Tulungan mo na lang ako dito please." Sabi ko. Di ko siya tinignan. Kusa lang siyang napatigil sa pagsalita nung sumabat ako.

Naiinis kasi ako.

Ayoko ng ingay.

Gusto ko ng katahimikan.

'Edi sana sinabi mo ka mentius na gusto mo ng katahimikan.' Sabi ko sa isipan ko.

"Tsss..." I said. Pero kusa lang yun lumabas sa bibig ko. Napatingin kaagad ako kay mentius na nagulat sa pinapakitang asal ko.

"Did you just...?" He sighed. "Fine. Uuwi na tayo bukas na bukas." Galit niyang sabi.

The next thing I knew? Lumabas siya sa kwarto.

Hindi ko alam kung may paki ba talaga siya sa akin o wala. Sabi kong tulungan nalang niya ako pero inuuna niya pa yung pagkainis niya.

Mag-isa ko na lang niligpit lahat ng mga gamit namin.

Matapos kong mag-ayos. Napahiga ako sa kama.

Nakaramdam ako ng kagustuhang makalanghap ng hangin kaya I decided na lumabas muna.

Pagkalabas ko sa room namin. Inaayos ko pa ang Hood ko. Since malamig rin naman. Just when I'm at the elevator. I was about to press down pero nakuha ng attention ko ang Rooftop.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now