Chapter 26: Unending Questions

4.9K 75 7
                                    

I was still in the middle of eating my dinner alone her at Jay's house.

Hindi pa rin kasi tumitigil tong iniisip ko. Unti-unti na rin kasing nagtutugma ang mga nasa isipan ko.

Jesel at Mentius.
Di kaya sila yung nakita ko sa Park noon? Tsaka yung mga panahon na hindi pa sila gaano magkaayos ni Kuya ay masaya pa rin naman kami Mentius.

Bat parang anlabo?

Binitawan ko ang kutsara na hawak ko. Nawalan ako ng gana. Di ko na lang kinain ang hinanda kong pagkain para sa sarili ko kahit gutom ako.

Eh ano naman yung the other night na nawrong sent sa akin si Mentius? Diba galing sa kusina si Jesel?

Pft. Tangina naman Priscilla, anlabo nga talaga na sila ang mag-ex.

Pero paano kung hindi naman talaga sa Kusina galing si Jesel?

*ding dong*

Napalingon ako sa may pintuan.
Inayos ko ang suot ko at binuksan yun.

Nagulat ako sa nakita ko. Siya rin naman.

I cleared my throat.

"What are you doing here?"

Di siya nakasagot. Instead, nagmamadali siyang umalis. Napakunot naman ang noo ko sa akto niya bigla.





Di parin maalis sa isipan ko. Wala akong mahanap na rason kung bakit pumunta siya sa Lugar ni Jay.

Impossible naman na alam niyang andun ako. Impossible din na mag-uusap kami.

Di ko rin naman alam na magkakaibigan sila ni Jay. What?

"Hey." Napangiti ako sa taong kakarating lang.

"Xander." Sabi ko. Pero naglaho ang ngiti ko nung di siya ngumiti pabalik.

Anong problema?

He sighed. Yung malalim talaga.

"So ano na?" Sabi niya.

"H-huh?" Walang makapasok  na idea sa isipan ko since kanina ko pa iniisip ang nangyari kanina. Wala tuloy akong ma recall sa topic namin ni Xander.

"Ano na? Option ka pa rin ba hanggang ngayon?" Cold niyang sabi.

"Ewan ko."

Napangisi siya.

"Kung ayaw mong sabihin sa akin. Well kilala ko naman si Privacy, e." Sabi niya.

Napatingin siya sa akin.

"May pagkain ka ba?" Bigla niyang tanong.

"Wala. Wala ka bang pera dyan? Bat ka laging nagpapalibre?" Sabi ko.

Ngumisi siya, "Oo, wala. Maawa ka na, please."

Napatawa naman ako sa sinabi niya.
Kahit kailan talaga. Ang bilis naman magbago ang mood niya, para siyang babae.

Di kaya bakla siya?

I rolled my eyes with what I'm thinking.

"Mag-usap muna tayo bago kita ilibre." Sabi ko naikinatuwa naman niya.

"Okay." Pagmamadali niya.

"Kilala mo ba kuya ko?" Sabi ko.

Kunot noo siyang sumagot, "Hindi, kailangan ba?"

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now