Chapter 14: Love

6K 90 5
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Napansin kong nakahiga na talaga ako sa kama.

Hinanap ko kaagad si Mentius pero di ko siya  nakita sa loob ng kwartong to.
Napaupo ako nang biglang nagbukas ang pinto.

"Hey..." Sabi ko at patuloy lang siyang naglalakad tungo sa akin. Umalis ako sa kama at Tumayo na. Tumigil siya sa harap ko.

And his face is not comfortable at all. He looks... bothered.

"Ok ka na?"

"I need to go." Diretso niyang sabi.

Napakunot ang noo ko.

"What... Why?"

Hindi niya ako sinagot. Pero niyakap niya lang ako kaya nagulat ako nun.
Naninibago na naman ako sa mga kilos niya ngayon.

"I have to go." Sabi niya.

"Just... Stay for awhile. Nahimatay ka kanina tsaka----"

He sighed.

"Ano bang problema?" Sabi ko.

Umupo siya sa kama kaya napaupo na rin ako sa tabi niya. I placed my hand on his lap at tinignan siya nang maigi sa mukha.

"Mentius... May problema ba?" Sabi ko.

Pero parang nahihirapan siyang hanapin ang tamang salita para sagutin ang tanong ko.

"Mentius... Okay ka lang ba talaga?" Sabi ko. "May sakit ka ba o may-----"

"Wala." Cold niyang sabi.

"Pero bakit...."

"Hayaan mo muna ako ngayon... Please." Sabi niya sa akin at bakas sa mga mata niya na para na siyang nahihirapan sa kung ano man ang iniisip niya. Di ko alam bakit siya nagkakaganito. Okay pa naman kami kanina.

San kaya siya galing nung lumabas siya sa kwarto ko?

May nangyari ba?

"Nag-aalala lang naman ako sayo eh." Agad kong sabi. "Pero kung gustong mong umalis, okay lang. Simula ngayon hahayaan na kita sa mga gusto mo."

Napatigil siya sa sinabi ko.

"Are you breaking up with me?"

Nagulat ako sa tanong niya.
Bakit niya naman naisipan na makikipaghiwalay ako sakanya?

May part sa akin na parang kumirot dahil sa sinabi niya bigla. He's like opening the subject so sudden.

"What?  No. I'm not." Sabi ko agad.

Sinubukan kong basahin ang mukha niya pero sa laking pagkadismaya ko. Di ko alam kung ano ang iniisip niya at kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

"Kung nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin..." He paused. "Then let's end this." Sabi niya at para akong nadurog sa pagkasabi niya nun.

A-ano?

Di na siya nagsalita ulit.
Nakaramdam ako ng sakit at galit sa pagbabaliktanaw sa mga panahong nahihirapan na ako sa sitwasyon namin pero niminsan di ko siya pinakawalan. Ako na nga ang pinakatangang tao sa mundo eh.

Nagawa ko paring mahalin ang taong di ako mahal ng buo.

"Bakit ang gulo mo?" Simula ko. "I thought the old mentius was back and now you're awake and you breaking up with me?"

Di siya umimik kaya nagsalita ulit ako.

"Sinabi ko lang naman sayo na gora na kung gusto kang mapag-isa ngayon. Hahayaan kita sa gusto mo. At ngayon magdedecide ka?  Sa tingin mo makikipaghiwalay ako sa yo? Kung makikipaghiwalay ako sayo... edi sana ginawa ko na noon pa!" Napatayo ako at napahilot sa noo ko.

"Mag-isip ka naman oh. I took the risk, mentius! Kahit na masakit na masakit isipin na minahal kita pero mahal mo ay iba... Di ako tumigil. Diba? Iniwan ba kita? Nasaktan ako eh. Tas dodoblehin mo pa? Sa tingin mo madali lang maging pangalawa? Maging rebound? Sa tingin mo madali lang maghintay at umasa?!"

A tear fall.

"Then, i let you go." He said coldly.

"Bullshit!" Malakas kong mura.

"I'm sorry." Napatingin ako na gulat sa kanya. Sorry?

"I can't keep you anymore." Sabi niya. Dun na bumuhos ang mga luha ko sa sinabi niya.

Ang sakit ng sinabi niya.

Pinanuod ko siyang tumayo na rin mula sa kama ko. At nung akma na niyang buksan ang pinto. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Tumakbo ako patungo sa  kanya at niyakap siya mula sa likod. Isinobsob ko ang mukha ko sa likod niya at umiyak don ng sobra.

"Don't go." Sabi ko.

Ilang minuto na ang lumipas pero di siya gumalaw at nagsalita. Tanging boses ko lang na umiiya ang pumapaibabaw.

"Mentius... Ganun lang ba ako kadali bitawan?"

Naramdaman kong parang yumoko siya at ramdam ko rin na malalim ang ang paghinga niya.

What i said to him next broke my own heart...

"Am i not enough? Am i not worth it?"
My voice broke. But my heart broke even more when he held my hands and pushed it away from him.

"Alam kong pagod ka na. Ako rin." Sabi niya at patuloy na niyang binuksan ang pinto at lumabas sa kwarto ko. He even shut the door.

Napahawak ako sa pinto at napaluhod sa harap nun. Sa pagkakaluhod ko, napahawak ako sa mukha ko at umiyak ng todo.

Hindi ba ako worth it?
I stepped my worth several times.
Pero bakit parang mas masakit na di makita ng taong mahal ko ang worth ko.

I feel so unwanted.
I feel so worthless.
I feel rejected.
I feel so... Unlove.

Its just funny that I swim all the oceans for him but he's not doing the same thing.

Am i with the wrong person?
Am i?

Pero kung babalik ka man mentius... I'll leave the door open.

This is how much i love you.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now