Chapter 33: The Wedding

5.4K 79 0
                                    

Ilang araw na naman ang lumipas. Nothing special happened naman. Pero, di ko gaano nakikita si Kuya nowadays kasi palagi siyang lumalabas. Although, di ko alam kung saan siya nagpupunta. Hindi naman ako masyadong curious since he's alright na rin naman.

Napako ang mata ko sa salaming pang-whole body.

I look at myself.

Hays.

Nakasuot ako ngayon ng White mini-dress. Inayos ko rin ang wavy kong buhok. Naglagay ako ng lipstick. Tsaka light make up lang.

I smiled.

Pupunta ako ngayon sa Wedding ni Marie. Di ko na nagawang sabihan si Kuya na ikakasal na siya. Para kasing di naman makakasaya sa kanya.

Di rin naman akong nag-abalang invitahin rin siya. Pero, paano kung ininvite rin ni Marie si Kuya? Ewan ko na.

Kinuha ko na ang purse ko at ang keys. 


Maraming tao ang dumalo siguro kasi habang nasa labas pa naman ako ay maraming mga kotseng nakaparada. Marie is so lucky that finallt ikakasal na siya. I wonder who the guy is.

Naglakad na ako papasak sa Cathedral at halos mapaawang ang labi ko sa nakikita ko.

Wow.

Nanlaki ang mata ko. Ang ganda.
It's like a fairytale. Ang ganda ng disenyo. Grande masyado. Halatang pinaghahandaan talaga.

I took a small steps at napaupo sa di gaano kalayuan sa altar. The groom and the bride na lang ang kulang.

I look at my watch.

8:00AM ang start ng wedding pero 10 minutes na ang lumipas. Baka naman na traffic? Di naman. Edi sana na late rin ako kapag ganun.

I took a deep breath.

Binalewala ko na lang ang oras at mas tinuonan ng pansin ang aisle. Yung nakapalibot na cameras. Yung mga naghahandang bridesmaids and etc. Ang ganda nila tignan.

How i dream for this.

Di ko napigilan ang sarili ko at napatingin na naman ulit sa oras.

30 minutes na ang lumipas.

At wala pa sa kanila ang dumating.
Ano kayang problema?

Napansin kong nagsitayuan at nagsitanungan na ang sa tingin ko ay mga kamag-anak nila. Napansin kong may mga nakaupong mga armys. Siguro kaibigan nung lalaki na papakasalan si Marie?

Di kaya army rin yun?

Pero kung army yun. Edi sana may mga nakatayong mga army sa kilid ng aisle na nakaformal at may ano pa. Diba ganun yun? Ganun ba? Ewan ko. Napanuod ko lang sa telebisyon eh.

Or maybe retired na o nagquit sa Job ang lalaki?

Pero wait, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na mga ito?

Napansin kong may tumakbo galing sa labas papasok sa simbahan at lumapit sa dalawang babae at dalawang lalaki na may edad na at may binulong ito.

Halata namang napasimangot ang dalawang matandang lalaki.

Siguro sila ang mga parents ng ikakasal?

Pero bakit hindi pa dumating si Marie?
Maya-maya pa ay inaanunsyo sa lahat na hindi matutuloy ang kasal. Ako na tong nasayangan sa preparations.

Nanatili ako sa kinauupuan ko at napatingin sa Altar. Ngumiti ako at nagdasal.

Lord, please don't leave me alone. Lord, please guide us. Forgive me that I may have done something wrong. I'm sorry. I hope and pray that you'll be with us in our journey. Thank you.

Napaupo ako mula sa pagkakaluhod at napatingin sa paligid. Nagsimula na silang ligpitin ang mga gamit sa kasal.

Ano kaya ang nangyari?

Lumabas ako sa simabahan at pumasok na sa sasakyan ko. My heart skipped a beat nung tumawag sa akin si Xander.

"Oy?" Sabi ko.

"I need you here."

"Oh. Okay." Sabi ko agad.

Ang seryoso kasi ng boses niya.
He texted me where he is. Same place. Park.

Kunot noo akong naglalakad papalapit sa kanya. He was wearing a white tux.

Wait, what?

Napansin niya ako at tumayo. Magksalubong rin ang kilay niya at pakiramdam ko nagulat rin siya sa suot ko.

"Uhm, may sasabihin lang naman sana ako sayo." Sabi niya. Ngayon naman ay sinabayan niya akong maglakad pabalik sa bench.

Nakakaloko isipin na parehas kaming nakaputi. Formal siya masyado.

And seriously, bagay sa kanya magsuot ng white polo or tux. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Pero alam ko namang walang malisya. Gwapo lang talaga siya.

Wait, ano bang pinagsasabi ko.

"Ano yun?"

Nung napaupo na kami. He scanned me. I think.

"Pero bago yun. May tanong ako sayo. Why are you wearing a dress?" Sabi niya.

"Ah. Uhm... Ano kasi.."

He cut me.

"I mean, it's not wrong naman na mageffort ka talagang mag-ayos to see me after I call you." Sabi niya at di ko napigilan ang pagkalaglag ng panga ko sa sinabi niya.

"Loko ka. Kasal ng kaibigan ko. Di nga lang natuloy." Sabi ko. "Magsusuot ba ako ng ganito kapag makikipagkita lang naman sayo na may pa-i need you here pang nalalaman." Ginaya ko boses niya nung tinawah niya ako at natawa naman siya sa sinabi ko. Pati ako.

Ewan ko anong nakakatawa.

Ang hirap tumawa.

Parehas kaming napatigil.

"You..."

"Wait..."

Sabay naming sabi habang dahan-dahan kaming napalingon sa isat-isa.

"Ngayon kasal mo?" Sabi ko.

"Di ako pumunta."

"Wait, kaibigan ko yung ipapakasal sayo."

"Talaga?" Sabi pa niya na hindi naniniwala.

"Oo, si Marie."

"Hell..."

"Asan siya?" Tanong ko.

"Umalis rin. Actually, we feel the same way. Ayaw namin sa kasal."

Marie doesn't like Xander? Why?
I mean, xander is interesting but he's warm. We're friends kaya naman alam ko.

"Paano parents niyo?"

He smiled.

"I followed what you've told me."

Napakunot ako ng noo ko.

"Ano nga ba nasabi ko sayo?"

He smiled again. And this time, i melted.

"To follow this." He said while pointing his heart.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now