Chapter 48: Kiss

4.8K 78 4
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama na nasa magandang room. I think, nasa isang resort ako.

Napaupo ako at napatingin kabi-kabila.

Asan ako?

Mabilis kong inalis sa sa akin ang kumot na pumulupot sa akin. Kinalma ko ang sarili ko na walang masamang nangyari.

May araw na kasi. Ibig sabihin nakatulog ako dito kagabi. At hindi ko maalala ang nangyari.

Tanging sakit sa ulo lang ang natira.

Ano ba kasing nangyari?

Tumayo ako at napatingin sa paligid ng isang kwartong ito. Hindi lang to room. Maaring room ng isang resort pero Iba eh. May mga personal picture frames at iba pang mga personal na mga gamit.

Napatingin ako sa picture.

"Gising ka na."

Halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Napaharap ako sa kanya at may dala-dala siyang isang tray ng mga pagkain.

"Xander..."

He clenched his Jaw.

Inilagay niya ang dala niyang tray sa isang side table malapit sa kama at nilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa niya.

"Bakit ba ang hilig mong uminom?"

"At galit ka sa akin ngayon?" Sabi ko.

He sighed.

"Alam kong may kasalanan ako sayo pero sana iningatan mo naman yung sarili mo." Sabi niya. No, he's more lecturing me.

"Ano bang paki mo----- awh!"

Napahawak ako sa ulo ko at agad siyang lumapit sa akin.

"Malamang masakit yan kasi ang tigas ng ulo." Pang-aaral niya sa akin habang hinawakan niya ulo ko.

He guided me to sit down by the bed.

"Don't touch me." Sabi ko sabay alis ng kamay niya na nakahawak sa ulo ko.

"Ayan. Ang tigas ng ulo." Sabi niya habang hinayaan niyang maalis ang kamay niya sa akin.

Nakaupo lang kami dun.
Magkatitigan.
Tahimik ng ilang minuto.
Di man lang maalis ang tingin ko.

"Galit ka pa ba sa akin?

Hindi ako sumagot.

"If this was about what I've told you last week, I'm so sorry. I was wrong."

Katahimikan.

"I'm sorry."

Katahimikan.

"Nadala lang ako sa galit ko. Nadala lang ako sa pagsisi ko sa sarili ko na wala na akong ibang taong malabasan sa galit kong to at unfortunately ikaw. I was wrong to ever blame you."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Though, my feelings for you didn't changed at all."

Ngumiti siya.

"Awh!" Bigla na lang sumakit ang ulo kong to. At agad rin naman hinilot ni Xander dahilan para mapalapit siya sa akin.

Ang mukha niya... Malapit sa akin.

"Masakit ba?" Sabi niya habang hinulot-hilot ang magkabilang side sa ulo ko.

Much better.

"Konti."

He sighed.

"You we're drugged."

Napahinto ako at kasabay nun ay ang paglaki ng mga mata.

My Favorite Pain (Completed)Where stories live. Discover now