pero para akong hangin na napadaan at pilit na tumatambay sa kanila pero hinawi lang.

tumikhim uli ako baka kako makarinig.

Nang makita kong hinahaplos na ni tyra ang braso ni justine ay nagsalita na ako.

"Tirso yung labahin mo!!" sinadya kong lakasan ang aking boses.

Nagulat naman ang mga ito at umayos nang tayo si justine; nayuko ito ng makita ako.

"Ateng naman, iniscared mo naman ang beauty ko." nag-iinarte itong nakahawak sa dibdib.

"Maglaba kana, malelate na ako sa office." 

"Maaga pa ateng, I'm sure closed pa ang pabrika ng sardinas pagdating mo."

Pinandilatan ko siya ng mata dahil kahit ata nandon ako ay hindi ito titigil sa pakikipaglandi.

Bigla na naman tuloy akong kinilabutan.

"Gusto mong bumalik sa tatay mo." nanlaki ang mga mata nito ng sinabi ko ang magic word sa kanya.

nilingon nito ang katabi na nakayuko pa rin.

"Sige na justine, maglalaba pa ako eh, hintayin mo nalang ang load." pasweet na pamamaalam nito sa kausap.

hayun uli ang nakakangilabot na paghaplos ni tyra.

Jeezz..

Nagpaalam na rin ito gayundin sakin na tinanguan ko lang.

sinundan ako ni tyra nang makapasok kami sa loob.

"ateng naman, panira ka ng moment, pano ko magkakalovelife nyan kong kumekembot ka lagi." pagdadakdak nito sakin.

"Wala akong pakialam sa lovelife mo tyra, maglaba kana." utos ko sa kanya.

pero nabigla ako ng bigla niyang higitin ang aking braso at nag-iigting ang panga.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko ate? ginawa ko na lahat, nagpakaalila, nagpakaalipin, pati katawan ko binigay ko na masustentuhan ko lang kayo? wala ba akong karapatan na lumigaya? wala ba akong karapatan sumaya?" I know nagdadrama na naman ito.

hindi ko siya pinansin.

"Akin lang ang asawa ko, akin,  a—-" nahinto ito ng akmang sasampalin ko siya..

"Ate wag ganyan, nagdadrama lang ako, legal wife, alam mo yan." at gumegewang ang kamay nito sakin.

pero tinuloy ko ang pagbatok ko sa kanya.

"Aray naman ate, sayang ang conditioner na nilagay ko," nag-iinarte na naman itong umiiyak habang inaayos ang buhok.

"ano ang gusto mo, kalbuhin ka o maglalaba kana?" pagbabanta ko sa kanya.

"ito na nga ate, maglalaba na, gusto mo ate sama ko pa yan suot mo." kinuha nito ang mga labahin sa mesa.

napailing ako at hinanap ng aking mga mata ang kambal na ngayo'y nagbabasaan.

"Tyra, paliguan mo pala muna ang dalawa, malilate na ako." bilin ko rito. pero nagulat ako ng padabog na nilapag nito ang planggana.

"Ate, palagi nalang ba akong magiging ganito? magiging alipin mo ako habang buhay? kelan ko makakamit ang kalayaan? ang kaligayahan? sawang sawa na ako, sawang -sawa na——— aray naman ate.." binatukan ko ulit.

"ano ba yan pinagsasabi mo tyra, wag mo nga akong dramahan ng mga napapanuod mo sa tv."

"Eh ate, nagpapractice lang naman ako, malay mo diba makapasok ako sa big brother sa next audition." inirapan ko nalang at baka sa iba pa mapunta ang aming usapan.,

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Where stories live. Discover now