Nagpalipat lipat ito ng tingin samin apat ng aking mga magulang.


"Alright, you can move."


Napangiti ako sa sinabi nito.


I know, pagkatapos ng mga nangyari, nawala ang pagtitiwala nito sakin para sa kanyang anak.


Hindi ko siya masisisi kung magalit siya sakin at ipagdamot si Anna.


Siya ang ama ng aking asawa. Parehong dugo at laman ang nananalantay sa kanilang katauhan.


I know na mahal na mahal nito ang anak at natural lang bilang ama na protektahan mo ang iyong mga anak.


Nagpatuloy ang araw nayun na katulad ng mga nagdaang araw.


Magigising si Anna, kakain, pupunta ang mga nurse para echeck ng kanyang kalagayan, hihiga at pagmamasdan ang kisame.


Naghihintay kami na magsalita siya ng kong ano laban samin, pero mas pinili nitong manahimik at kimkimin ang nasa loob.


Kumuha na rin kami ng Psychiatrist para tumingin sa kanyang kondisyon.


Pero ang sabi nito, hayaan nalang daw muna si Anna.


Ang sabi ng doctor ay normal lang daw na maging ganoon ang reaksyon nito pagkatapos ng trahedya.


Kapag hindi pa rin daw ito bumabalik sa dati ay tsaka lamang sila gagawa ng tamang aksyon.


Nasa pasyente kong kelan siya makakabangon sa lahat ng sakit.


Na kay Anna kung kelan niya gustong tanggapin ang pagkawala ng anak namin.


Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos ng anim na buwan na pagdadala niya samin mga anak, isang araw lang ang katapat para kunin ito samin.


Sila mama na ang umasikaso sa libingan ng aking kambal.


Ang sabi nila ay nilibing daw ang mga ito sa kalapit na libingan ng mga magulang ni Papa bernardo.


I haven't been there kahit nung araw na nilibing ang anak ko.


Masakit pa rin.


The first time I saw them na parehong nakahiga at magkatapat.

Magkayakap at parang ayaw lubayan ang bawat isa.

Nakita ko kong pano iligtas ng aking anak na lalaki ang aming prensesa.

Ang kanyang kapatid na babae.

Na kahit wala pa sila sa mundo ay handa nang protektahan ang kanyang kapatid.


Pinagmasdan ko silang mabuti kahit hindi pa sila kompletong nabuo.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Место, где живут истории. Откройте их для себя