Kahit sa paraan lang ito ay pagbigyan nila ako.


Handa akong isuko ang aking trabaho.


Ang aking kompanya.


Ang lahat ng pwedeng umagaw ng atensyon niya sakin.


Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Papa bernardo. Pero alam ko, katulad ko ay gustong bumawi nito sa anak.


"You're mom and dad agree with my decision."


"Pero Papa ako ho ang asawa, kailangan ko pong malaman ang desisyon na gagawin niyo dahil pamilya ko po to."


Nakita ko ang pag-igting ng panga nito gayundin ang pagkuyom ng palad.


"Asawa? Bakit Cyrus, Tell me, Did you try to ask us about your stupid decision nung kinakalbaryo ang anak ko? Tinanong mo ba kami kung papayag kaming alisin ang bata ha?" inawat ito ni Mama amanda na di namin namalayan nakalapit na pala.


"Bernardo wag kayong mag-away dito." saway nito samin.


"This is final Cyrus, Uuwi si Anna kasama namin." at tumalikod ito sakin


Pero hindi pa rin ako papayag.


Kahit anak nila ito ay may karapatan din ako kay Anna dahil ako ang asawa niya.


Oo, I made that stupid decision at panghabang buhay kong pagsisisihan ang desisyon kong iyon.

but that decision save there daughter from death.


Hindi maisasalba ng desisyon nila ang buhay ng anak nila at ng mga anak ko kung aantayin ko pa ang mga ito.


This is a matter of life and death.


Hindi lang buhay ng anak ko ang nakasalalay, pati buhay ng asawa ko.


"Papa, please..payagan niyo na ho ako, kung gusto niyo ako ang lilipat sa bahay niyo para mabantayan ko ang asawa ko."


Nahinto ito sa paglalakad.


Hayun na naman ang buntong hininga nito habang matalim ang mga matang nakatutok sakin.


"Bernardo, payagan mo na si Cyrus, tutal magkakasama naman tayo sa bahay eh." lininga nito ang asawa.


Huminga uli ito ng malalim bago nagsalita.


"Bernardo, payagan muna ang anak namin. give him a chance. alam namin na mahirap gawin ito, pero asawa pa rin ng anak mo ang anak ko. We cannot change the fact that my son has the right to your daughter." singit ni mama samin usapan.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon